KEISHA Habang pinagmamasdan ko ang matamis mong ngiti, hindi ko alam kung matutuwa ako, o ito'y aking ipipilit. Tila isang malaking sampal ang makita kang masaya, nilimot kaagad ang tinamong disgrasya. Magkahalong lungkot at tuwa, sa dibdib ko'y nagwawala. Kaligtasan na handang ibigay, pangakong di sasablay. Pinagmamasdan ko ang panunumbalik ng pagkaligalig ni Phobos. Kinwento niya sa akin ang kanyang adventure, na animo'y hindi siya sumuong sa butas ng karayom. Wala siyang tinamong pinsala, ngunit hindi sapat iyon upang isantabi ang nabuong pagpapasya. Para sa akin, tama na. "Phobos," mahina kong pamumutol sa kanyang pagsasalaysay. Seryoso kong ibinalandra ang aking mukha habang direktang pinagmamasdan ang kanyang mga mata. Hindi ito kumibo, hinihintay niya ang susunod kong sasabihi

