AMIRA Mabilis kong binabagtas ang daan papuntang club room. Hindi ko na tinext si Phobos dahil alam ko naman kung saan siya hahagilapin. "Nasaan 'yong buang?" iritable kong tanong. Nadatnan ko sina Hayashi at Crik na nagbabasa ng notes nila. Na-guilty tuloy ako dahil bigla-bigla na lang akong pumasok. "Sinong buang? Si Phobos? Nagpunta sa room niyo, hindi mo ba nakasalubong?" tanong pabalik ni Crik. "Ay, bwesit!" bulalas ko tapos magmamadaling umalis muli. Tumakbo ako nang mabilis, wala na naman na akong regla dahil nahiya nang lumabas sa pinaggagagawa ni Phobos. Pagbalik ko sa room, 'yong dugo ko kaagad na kumulo dahil 'yong katabi ko kanina'y kinakausap ang pagmamay-ari ko! Lumapit ako sa kanila, hinila ang buhok no'ng kaklase ko palayo kay Phobos. "Alam kong makati ka, pero alami

