AMIRA Pagkatapos ng halos walang hanggang basa at kakaisip ng mga sagot, natapos na rin ang examination namin ngayong araw. "Mauna na ako, Amira. Sabihin ko na lang kay Phobos na pinatawag ka ni ma'am Bam kapag hinanap ka niya sa akin, okay?" ani Rose. Tumango lang ako dahil didiretso ako ng lakad, samantalang siya ay liliko. "Wag mo na lang ikwento na dahil kay Terio kaya ako napatawag, ha? Sabihin mo may pabor na hihingin si ma'am kaya ako kinausap." "Sige. Ingat ka, bye." Dumire-diretso na ako tapos noong makarating na sa harap ng office ng mga english teacher, pumasok na ako ro'n at yumuko, bilang pagbibigay galang. "Ms. Amira, upo ka," paanyaya ni Ms. Bam. Ibinaba ko ang aking bag tapos umupo sa upuan na nakaharap sa kanya. Nagkamot ito sa kamay, huminga nang malalim, hindi ko

