Ang lahat ng saksi ay nabalot ng takot noong marinig nila ang malakas na pagsabog. Ligtas ang kanilang kaluluwa ngunit hindi sina Amira at Phobos. Malakas na palahaw ang siyang umukupa sa malawak na espasyo, nanluluhod, tumatangis, hindi mawari ng mga magulang nila ang nakakahindik na nasaksihan. Walang lakas si Shane na tumakbo upang saklolohan ang kanyang anak, tila nalumpo ang kanyang mga paa noong marinig ang malakas na pagsabog pagkarating na pagkarating pa lang nila. "Amira! Phobos!" sabay na sigaw nina Kamatayan at Dylan. Halos maputol ang kanilang mga paa, halos mabalot ng luha ang kanilang mga pisngi. Sa mga sandaling maabot nila ang kanilang mga supling, halos takasan sila ng bait. "Nasaan ang ambulansya!" sigaw ni Kamatayan. Madaling rumespunda ang rescue team, nailagay sa s

