AMIRA Habang abala ang lahat, humingi ako ng tulong sa sahig dahil hindi na talaga kaya ng katawan ko. Labis na ang panghihina nito simula pa kanina, kahit wala akong malay, pakiramdam ko sinusundan ako ng gutom. Itinaboy ko si Phobos at pinatulong ko sa pagrespundi kay Joshua dahil walang dapat sayangin na segundo. Itinukod ko ang aking kamay, akala ko tapos na ang lahat. Ngunit noong tatamuhin ko na ang kapahingahan, naalarma ako noong marinig ang nakakatakot na tunog. Doon lang pumasok sa utak ko na may bombang itinanim sa aking katawan si Joshua. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon, siguro para takutin ako na wag aalis sa tabi niya dahil hawak niya ang buhay ko. Wala naman talaga siyang balak na i-start ang bomba, ngunit noong binulaga kami kanina ng mga kalalakihan, narinig

