CHAPTER 3: THE IDIOT AND THE TWO PRINCES

1239 Words
ZCHICK (PHOBOS) "Bad ka Kuya! Iniwan mo si 누나(Noona)!" pagmamaktol ni Elijah habang tinatahak namin ang registrar office. Tumigil kami sa paglalakad, umupo ako nang bahagya upang mapantayan ito tapos hinawakan ang kanyang dalawang balikat. "Hindi mo sya Ate, okay? We need to distance ourselves from her because she is not like us! Naiintindihan mo ba ako, Elijah?" paliwanag ko. Pagkarinig niyon, kaagad na bumagsak ang mukha nito dahil sa lungkot. Alam kong nakukuha niya ang gusto kong sabihin dahil ilang beses ko na siyang pinagsabihan. Bilang nakatatandang kapatid, hindi ko mapigilang hindi maapektuhan lalo na't masyadong madaling ma-attach itong si Elijah sa ibang tao. "Stop frowning, para rin ito sa ikabubuti niya, huh?" ani ko 'saka ginulo ang kanyang buhok. Kahit labag man sa loob, tumango pa rin si Elijah. Isang matipid na ngiti ang ibinigay ko sa kanya bago kami magpatuloy sa paglalakad. Hindi nakawala sa mga mag-aaral ang aming prisensya kaya noong maaninag nila kami, kaagad silang nagtakbuhan habang malakas na tumitili. "Kyaaahhhh! The Princes!" Isang mabigat na buntonghininga ang pinakawalan ko habang pinoprotektahan ang aking kapatid. Wala akong panahon para ngitian sila, wala din akong panahon para balingan sila ng pansin at oras. "Wag kayong magtatangkang lumapit pa kung ayaw niyong mawala nang tuluyan sa mundo," mariin kong babala. Mas lalong nagsumiksik si Elijah sa aking tagiliran, marahil ay hindi siya sanay na makakita ng maraming nilalang. Mabuti naman at may galang ang mga hunghang at hindi naman sila gumawa pa ng hakbang. Hinila ni Elijah ang aking damit, animo'y may nais itong sabihin sa akin. Ibinaba ko ang aking ulo upang maibulong nito ang kanyang nais na sabihin. "Kuya Phobos, gusto ko na pong umuwi. Nawiwiwi na ako," bulong nito na nagsimula nang ipadyak ang mga paa. "May CR naman dito, sasamahan na kita," alok ko pero umiling ito. Napakamot na lang ako sa ulo dahil nakalimutan kong masyado nga pala siyang maselan. "I want to go home," may riin na sabi nito. Tumango na lang ako at hindi na nakapalag. Hinatid ko siya sa parking lot kung saan naghihintay si Manong tapos pinauwi ko na silang dalawa. "Manong, pakibilisan, naiihi na raw iyan," matipid kong utos bago sila tuluyang iwan. Pagbalik ko sa field, naagaw ang atensyon ko ng isang babaeng kasama ang isa sa mga mahahalagang tao rito sa SAA, walang iba kun'di ang kanang kamay ko. 'Deimos..' bulong ko sa aking sarili. Mabilis ko silang nilapitan ngunit dinagsa ako nang maraming kababaihan kaya nahirapan akong makalapit doon sa dalawa. "Prince Phobos! Prince Deimos!" Halos manuot sa aking tenga ang matitinis nilang boses. Pinanlisikan ko 'yong mga nangangahas na hawakan ako para bigyan sila ng babala. Mukha namang napansin ako ni Deimos dahil nahagip ng aking mata ang kanyang mabilis na pagsulyap sa aking gawi. Habang pinagmamasdan siyang nakikipagsabayan sa mga baliw na kababaihan, isang ngisi ang kumawala mula sa akin Wala pa rin siyang ipinagbago, playboy pa rin siya, na kahit hindi pa nagsisimula ang pasukan may nabingwit na agad ito. Kung sino man ang kasama niya, ako na ang naaawa dahil paniguradong kinabukasan, madudurog agad ang kanyang puso. "Yow," matipid na bati ni Deimos noong makalapit na ito sa akin. Dahil hindi ako makaalis sa pwesto ko, siya na ang nag-initiate na dapat lang. Ako ang Hari rito kaya siya dapat ang lumapit. "Mga utol!" Napalingon kaming lahat dahil sa nakakabinging sigaw. Halos tumalon ako sa tuwa noong makita ang aking kanang kamay, Crik Mortis... Nagsigilidad 'yong mga babae dahil papunta sa gawi ko si Crik. Isang high five ang binigay nito tapos masaya kaming nagyakapan. Na-miss ko sila nang labis. At aaminin ko, kulang ang buhay ko kapag wala sila. "Chong, ang laki na ng pinagbago mo, ahhh! Gum'wapo ka na nang kaunti!" biro ni Deimos kay Crik. Tumawa na lang ako dahil hindi ako papalag. Though, hindi naman kagwapuhan itong si Crik, pinagkakaguluhan pa rin siya dahil tanggapin ko man o hindi, siya ang nangunguna 'pag dating sa appeal. May kakaiba sa kanya na kinahuhumalingan ng mga kababaihan, marahil ang dugo niyang taglay? May nasagap kasi akong balita dati na sobrang nakakaadik daw ang dugo ni Crik kaya marami ang pumipila sa kanya para lang matikman ang dugo nito. Pasimpleng binangga ni Crik si Deimo sa balikat at ito naman ang tinukso. "Ikaw nag i-improve ka na, eh! Kakakita lang natin ulit may nabingwit ka na kaagad, ahh! Baka naman, gusto mo sa amin ipakilala, Deimos. Wag masyadong madamot," ani Crik na may kasama pang pagtaas-baba ng kilay. "Hahaha! Loko-loko ka! Hindi ko nabingwit 'yon. Nakasabay ko lang siya kanina sa bus, wala kasing barya kaya sinagot ko na ang pamasahe. Pero wag kayong mag-alala, hindi matatapos ang week na 'to na hindi ko siya napapasagot," mayabang na tugon nito na may kasamang banat. Ilang beses akong umiling dahil magsisimula na naman siya sa pangha-hunting ng mga babae. Pero hindi ko siya matitiis dahil isa iyon sa mga taktika niya para maibsan ang uhaw niya. Lalo na't simula bukas ay ikukulong na muli kami sa malawak na rehas, malayo sa mapanghusgang lipunan. Habang iniisip ko iyon, isang masamang ngiti ang sumilay sa aking labi. Sa wakas, dumating na ang araw nang aming paglaya. Magagawa na namin lahat tuwing sasapit ang bilog na buwan ng walang takot at pag-aalinlangan na may masaktan. "Nasa'n na ba iyong ipapakilala mo? Kanina pa kami naghihintay. Para rin malaman natin kung masarap pa ang dugo o hindi," ani ko. Nagkibit-balikat lang si Deimos kaya pinagmasdan ko ang babaeng nakatalikod sa amin na pinagkukumpulan ng mga kababaihan. 'F*ck...' bulong ko nang bigla na lang nitong sapakin ang isa sa mga estudyante. Nagkagulo na sa banda nila kaya agad kaming lumapit. "Walang modo! Anong akala niyo sa akin? Cheap kagaya niyo? For your information, wala akong balak maging jowa 'yang mga Prinsipe niyong hilaw!" malakas na sigaw nung babae. Noong marinig ko ang boses niya, halos mapamura ako dahil sa inis. Hinayaan kong mauna 'yong dalawa sa akin dahil pinapakalma ko muna ang aking sarili. "Hey, anong problema dito ah? Oh, Hello Miss Beautiful..." bungad ni Crik na tinalo pa ang kidlat sa bilis nang pagpalit nito ng ekspresyon. Kunot noong dinidikdik no'ng baguhan sina Crik at ang lahat ng nilalang na nakapaikot sa amin. Hindi niya pa ako napapansin dahil nakatago ako sa likod nina Deimos. "Anong problema ko? Ito lang namang mga bwesit na 'to, akala eh, aagawin ko kayo sa kanila," panimula no'ng baguhan. Hindi nakasagot sina Crik dahil kaagad nitong ipinagpatuloy ang pagra-rant. Humarap ito sa madla at walang ano-anong dinuro silang lahat. "Kakapal ng mukha niyo! Kung hindi kayo magustuhan nitong mga tinatawag niyong Prinsipe, wag niyong ibaling sa akin ang galit niyo, ha? Kasalanan ko bang mga low quality 'yang mga face niyo at hindi kayo mapili-pili nitong dalawang nilalang na ito na pinagpapantasyahan niyo?" gigil na dugtong nito. Tumikhim ako para mabaling sa akin ang atensyon ng lahat. Mahirap na, hindi pwedeng mabisto ang baguhan dahil ibinilin siya sa akin ni mommy. Mukhang anumang oras may aalsa mula sa madla at maghamon ng away, lugi ang baguhan dahil hindi namin siya kauri. "Kayong lahat, clear this area now," malamig kong utos. Napalingon sa akin 'yung babae na halos mahulog ang panga sa gulat. Kitang-kita ko kung paano mapuno ang kanyang mga mata ng galit. Isang nagbabaga at malutong na sampal ang yumanig sa lahat. "Dahil sayo kaya nahipuan ako! Walangya ka!" bulyaw nito sa harap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD