CHAPTER 2.5

1329 Words
Kahit nanggigigil akong sagutin pabalik 'yong bwesit na anak ni Tita Keish, pinigilan ko ang aking sarili dahil mahirap na. Wala pa naman ang mga magulang nila baka palayasin ako nang wala sa oras. Ayon na nga, dali-dali akong pumasok sa kwarto at pumasok na naman ulit sa isa pang kwarto, which isa 'yong tinulugan ko kanina. Kinalkal ko 'yong maletang dala-dala ko para maghanap ng magandang damit. Teka, mag je-jeans din kaya ako? Aish, hindi pwede tandaan mo mga elite ang nando'n kaya dapat bongga rin ang suot ko. Naligo na ako at takte lang dahil hindi ako sanay na 10 minutes lang ang inilagi ko sa C.R. Sinuot ko ang aking favorite crop top at tinernuhan ito ng cute na skirt. Pinili kong magsuot ng sneaker shoes instead of heels dahil matangkad naman na ako. Masyado na akong matangkad para magsuot ng heels, kaya naah. Nagpahid ako ng kaunting pulbo at tamang lip tint lang upang magkaroon naman ng kulay ang aking labi, and tada! Mukha na akong tao. Bago lumabas, kinuha ko ang aking sling bag pati na ang suklay. Sa sasakyan ko na lang aayusin ang aking buhok dahil nararamdaman ko na na tumitirik ang mata no'ng Phobos na 'yon. At hanep! Hindi nga ako nagkamali dahil pagkababa ko wala akong nadatnan. "Hala, nasa'n na sila??" hingal kong tanong sa aking sarili. Wahhh! Putakte, narinig ko ang pagbusina ng kotse sa labas kaya halos madapa na ako sa kakamadali para lang mahabol sila. "Late ka na. Mag-commute ka na lang," cold na sabi no'ng Phobos sabay tapon ng isang libo sa semento. Psh, takte lang! Anong late!? Eh nakahabol nga ako! Ang sabihin niya, ayaw niya talaga akong pasakayin! Halos ipadyak-padyak ko ang mga paa ko dahil sa sobrang inis. Like, hello?! Ang layo pa ng lalakadin ko para makalabas sa subdi na to! Hayyyy! So ayon na nga, kinuha ko 'yong isang libo na tinapon no'ng pesteng Phobos na 'yo'n at inilagay sa wallet ko. For the first time in my life na pumulot ako ng pera na hulog! Hindi ko inaasahang mararanasan ko ang ganitong kahihiyan. P*ta, ang sakit sa bangs! You need to calm your as$ down, Amira. Magpasalamat ka na lang dahil may matutuluyan ka ngayon at hindi ka na makikipagplastikan pa sa tatay mong walang ibang ginawa kun'di ang matahin ka. Bumuntonghininga muna ako bago tuluyang maglakad. Wala na eh, talagang iniwan na ako no'ng bwesit na Phobos na 'yon. Pasalamat siya't hindi ako sumbungera, dahil kung oo! Kanina ko pa sinabi sa nanay niya kung ano ang ginawa niya sa akin. Naawit ko na lahat ng awit na alam ko, sinabi ko na rin lahat ng alphabet letters pati multiplication table bago ako makarating sa labas ng subdivision. Napatakip ako ng ilong sa usok na ibinubuga ng mga sasakyan. Pero hindi iyon ang naging problema ko dahil hindi ko ngayon alam kung ano ang aking sasakyan. Bus? Jeep? Aishhh!!! First time kong magko-commute. Okay lang sana kung taxi ngunit ekis na sa akin 'yon dahil sa naranasan ko. Wala na akong ibang choice kun'di ang magtanong dito sa mga taong naghihintay rin ng masasakyan. Lumapit ako do'n sa babae na busy sa pagsipa ng buble gum sa kanyang bunganga. "Ahm miss, excuse me. Itatanong ko lang sana kung ano ang pwede kong sakyan para makarating ako sa Saint Augustus Academy?" tanong ko. Bago magsalita, tiningnan muna ako nito taas baba na animo'y hindi makapaniwala na ang isang katulad ko ay nagtatanong ng masasakyan. Well, napansin niya ata na galing ako sa Quency Subdi kaya iniisip niya ata na 'bijj why commute? Wala ka bang car?' Pfft. "Una, sasakay ka ng bus. Sabihin mo kong saan ka bababa. Tapos, magta-tricycle ka papasok ng SAA dahil malayo-layo rin 'yon sa labasan. Ang problema lang, walang masyadong tricycle ang nalalagi do'n dahil stricted area iyon. Swerte mo na lang kung may makumbinsi kang driver kung may makita ka man," mahaba at wala sa loob na lintana nito. Tumango ako sa babae na nilaro ulit ang chewing gum sa bunganga niya. "Salamat po," tipid kong tugon bago magpara ng bus. Pagkapasok ko pa lang, halos mapasubsob ako nang biglang umandar agad 'yong bus. taragis naman, hindi pa nga ako nakakahanap ng upuan, eh! At mukhang hindi na ako makakahanp dahil punuan na pala. Okay, so anong gagawin ko ngayon? Makipagsabayan dito sa mga nilalang na nakatayo? Gahd! Wala bang gentleman d'yan? Ang awkward dahil nakasuot ako ng palda. Kung alam ko lang na may isasama pa 'yong ugali ni Phobos edi sana nagpantalon na lang ako. "Ano ba! pwede wag niyo ho akong siksikin?" pagmamaktol ko do'n sa lalaki na nasa edad singkwenta na ata na nasa likod ko. T*ngna lang! Isa pa! Isa pa talaga! Sisikuhin ko 'yang tyan niya, sinasabi ko. Napahawak ako nang mahigpit sa bakal na hawakan nang biglang prumeno ang bus, dahilan para sumabog ako sa inis. "Where the f*ck are you putting your hands on? Manyak!" sigaw ko do'n sa lalaki na akala na hinipuan ang pwet ko. Bwesit! Akala niya hindi ko papalagpasin iyon? Subukan niyang magkaila, babangasan ko talaga siya! "Ano?" pagmamaang-maangan no'ng kumag. Wala na, hindi na ako nakapagtimpi at mabilis na pinatikim ito ng suntok sa mukha. Nagkagulo na sa loob, nagsimula na ring magsigawan 'yong mga nilalang na nakaupo. Swerte niya may pumipigil sa akin dahil kung wala talagang hindi lang iyon ang matitikman niya! "SAA," malakas na sigaw no'ng bus driver. Padabog kong binawi ang braso ko na hinahawakan no'ng isang lalaki. Sinamaan ko ng tingin 'yong manyak bago maglakad palabas do'n sa makipot na pinto. Hindi pa man ako nakakalapit nang tuluyan, mabilis na hinarang ako no'ng lalaking may hawak na papel at hinihingan ako ng bayad. Kinuha ko ang isang libo sa bag ko at no'ng makita niya iyon ay napakamot na lang siya sa kanyang ulo, sinasabi na wala raw siyang panukli pa. Eh, kasalanan ko pa ba yo'n? Hindi tinanggap no'ng lalaki 'yong bayad ko, hinihintay niya pa atang sumuko ako't dumukot ng barya sa wallet, b0bo siya wala akong dudukutin kaya bahala siya d'yan maghintay. "Eto po, sagot ko na siya," sabat no'ng lalaking kamukha ni Phobos. What the fudge! Minamaligno na ba ako? O talagang kamukha niya talaga ang loko-lokong Phobos na 'yon? Ngumiti sa akin yo'ng lalaki ngunit seryoso ko lang siyang tinitigan. Pagkaabot niya no'ng bayad ay sumenyas siya na pwede na akong bumaba. Bago pa man ako humakbang, isang mabilis na sabunot sa buhok ang ibinaon ko do'n sa namboso sa akin kanina. Bwesit siya! Malasin sana siya habang buhay! Pagkababa, nakita kong naghihintay 'yong kamukha ni Phobos. "By the way, salamat nga pala. Don't worry, babayaran kita mamaya kapag nagkabarya ako," labag sa loob na sabi ko. "Ano ka ba, wala 'yon," insist na sagot nito. Umiling ako dahil hindi pwede. Sa ayaw o gusto niya papalitan ko 'yong binayad niya kanina dahil ayaw ko magkautang sa isang stranghero, lalo na't kamukha pa ni Phobos. "Ikaw ang bahala. Hindi ka pa ba aalis?" tanong nito. Sandali akong nanahimik dahil iginala ko muna ang mga mata ko, nagbabakasakaling makahanap ng tricycle na pwedeng sakyan kaso mukhang imposible. Binalingan ko ng tingin 'yong kamukha ni Phobos at pasimple na ring naglakad kasunod lang niya. Walang nangahas na magsalita sa aming dalawa. I hate men, right? Para malibang kahit papaano ninamnam ko na lang 'yong tanawin na nakikita ko. Puno, puno, puno, puno. Walang katapusang mga puno. P*ta naman!! Bahala na nga! "Uhm ano--" sabay naming panimula. Nagkatitigan kami for seconds tapos dali-dali rin naman kaming umiwas ng tingin sa isa't-isa. Sabay naming pinigilan ang tawa na kumawala, pero bigo kami, kaya ayon talagang umalingawngaw sa paligid 'yong halakhak namin. Sinubukan kong muling sipatin siya ng tingin tapos hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Buti na lang hindi kagaya ni Phobos ang isang 'to. Magkamukha lang sila pero makabilang mundo ang ugali. Well, hindi pa tayo sigurado do'n pero I hope so?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD