JOSHUA 'You're a freak! That's why nobody wants you! Not in this house, not in the outside world! Wag ka nang umasa pa na may kukuha sa iyo mula sa ampunan na ito. Dito ka na mabubulok! At ang itinadhana sa iyo ay maglampaso, mag-alaga ng hayop, at maging tagasilbi! Unang kita ko pa lang sa iyo, alam ko nang hindi kita pagkakakitaan. Kaya, hala! Galaw! Ayaw ko ng babagal-bagal at maraming bisitang darating! Maraming bata ang aalis para kunin ng kanilang bagong pamilya.' Hmmm...kumusta na kaya ang matabil niyang bunganga? I hope she's okay together with worms and dirt. "Awww...can you move? At saka ano, 'yan? Bawal 'yan dito!" Naputol ang pag-alala ko sa aking mabait na mama noong marinig kong ngumangawa sa aking gilid ang isang babae. Sinipat ko ang kanyang katawan, kinalkula kung an

