ZCHICK APOLLO Naglalakad na ako patungo sa classroom ni Joshua. Wala silang Teacher ngayon dahil kinuntsaba ko sina Deimos at Crik na aliwin nila muna iyon para maisagawa ang plano. Mukha namang successful ang kanilang misyon dahil hindi na sila bumalik sa club room. Handa na ang lahat. Actually, kanina pa ako kating-kati na basagin ang bungo ng surot na nagtangkang hawakan ang kamay ng aking kasintahan. Publicity na lang sana ang kulang at magiging official na ang relasyon namin ni Amira, inunahan niya pa ako. Kung ano man ang ginawa niyang trick o pangba-blackmail para lang mapapayag si Amira, aalamin ko iyon at gagamitin ko sa kanya mismo. Binabagtas ko na ang mahabang pasilyo patungo sa silid. Nanginginig ang mga daliri ko sa sobrang sabik. Ilang buwan ding natengga ang kamao ko kay

