"Oh, mga bata! Alam niyo na ang gagawin, ha? Ngumiti palagi! Kapag dumating na ang mga bisita, wala kayong ibang gagawin kung hindi ang ipakita na masaya kayo, masigla, at maganda nang sa gayo'y mapili kayo at may uuwian kayong magandang tahanan! Tandaan, ang hindi ngumiti, matutulad dito kay Joshua, gusto niyo ba iyon? Mabulok sa bahay ampunan na ito?" Tahimik na mga plato at pipeng kubyertos ang nakahain sa mahabang hapagkainan. Ang mgapaslit na produkto ng hindi inaasahang pagbubuntis ang siyang bumubuhay sa bahay ampunang itinatag ni Sunshine, isang ginang na nasa kalagitnaan na ng buhay, malusog ngunit hindi ang kanyang ngipin na maagang nalalagas dahil sa pagkalulong niya sa tsokolate't kending pasalubong ng mga bisita para sana sa mga paslit. "Ayaw po," masunuring tugon nilang lah

