AMIRA Nagising ako na wala na si Phobos sa aking tabi. May saplot na akong suot at maayos ang lahat. Paniguradong bago siya umalis ay pinagpupulot niya ang kalat naming dalawa. Kalat~ Speaking of kalat, napabalikwas ako sa pagkakahiga noong maalala ang collar na itinapon ko sa basurahan. Tumakbo ako't tinungo iyon, nagbabakasakali na hindi natagpuan ni Phobos. Noong makita ko ito, para akong natanggalan ng tinik sa dibdib. Buti na lang at hindi nagawi rito si Phobos dahil kung sakaling nakita niya ang nakakadiring bagay na ito, paniguradong puputaktihin niya ako ng tanong. Kinuha ko na ang garbage bag at ididiretso na ito sa labas para safe na talagang maidederetso sa dapat nitong kalagyan. Hindi pa man natatapos, isinantabi ko muna iyon dahil nakarinig ako ng katok sa pinto. Panig

