AMIRA "Ha! I hate you! I hate you! Haaaa! Ahhhh!" patuloy kong sigaw habang mariing kinukuskos ang katawan ng bimbo. Pinadaloy ko ang malamig na tubig sa aking katawan, nagbabakasakaling madala nito ang pandidiring nadarama ko ngayon. Sumalampak ako sa basa at malamig na tiles, patuloy na umiiyak at humihiyaw dahil sa nangyari. "What should I do...anong sasabihin ko kay Phobos?" Sinabunutan ko ang sarili ko sa sobrang pagkabalisa. Kahit ayaw ko, patuloy na nagfa-flash back sa aking isipan ang ginawang kahalayan ni Joshua. Niyakap ko ang aking katawan, patuloy na tumatangis hanggang sa mapagod ang aking mga mata. Napalingon ako noong marinig ang aking cellphone. Paniguradong si Phobos na iyon. Pinatay ko ang shower at naglakad palabas para sagutin ang tawag. Huminga ako nang malalim, pin

