ZCHICK APOLLO (PHOBOS) Ilang oras na naglaro sa utak ko ang iniwang mensahe sa akin ni Deimos. Hindi ko maramdaman ang katiting na pagbibiro sa tono ng pananalita niya kaya mas lalong kumulo ang aking dugo. Hindi naman siya ganito noon. Ang Deimos na nakilala ko ay walang paki sa iba, tahimik, at masunuring kanang kamay ko. Pero dahil sa ipinakita niya sa akin ngayon, hindi ko maikakaila na napahanga niya ako sa kanyang kapangahasan. Isang babae lang pala ang kailangan para lumabas ang kanyang tunay na kulay. Ang matindi pa ay sarili kong alila ang nagpabago sa kanya. Ibang klase. Pffft, hahahahahaha! Mas lalong nag-igting ang pagnanais ko na mapasaakin nang buo si Amira. Sa pagkakataong ito, ipapamukha kong muli sa kanya na ang lahat ng nanaisin niya sa mundong ito ay mapupunta sa ak