AMIRA Two days after the acquaintance party, masyadong naging kalmado ang lugar ng Saint Augustus. 'Yong relasyon ko kay ipis, uhmmm, medyo naging mapayapa rin compared noong una kaming magkita. Though nandoon pa rin ang pagiging iritable, bossy, at g*go niya, hindi na ganoon kalala. "Bakla, look, hihihhihihih my first mark," pagmamayabang ni Hayashi. Pinagmasdan ko ang ibaba ng collarbone nito na may hickey. Napangiwi ako dahil, in-update niya ako noong gabi ng acquaintance na iuuwi siya ni Crik tapos ngayon pa lang siya nagka-kiss mark? Seryoso? "Kailan pa 'yan?" tanong ko. "Noong Byernes. Hehehehehe, we're officially na!" masayang ani to. Nawindang ako dahil ang bagal naman atang mawala no'ng mark niya? Dalawang araw na ang nakakalipas pero mukhang bagong gawa lang iyon. "Naku! Aya