CHAPTER 18.5

1662 Words

Sa mundong ito, hindi mo agad malalaman kung ano ang kahalagahan ng buhay. Taon ang gugugulin, kilo-kilometro ang tatakbuhin, ilang beses kang madadapa, balde-balde ang pupunuin ng dugo, pawis, at luha bago mo malaman na ang buhay ay parang isang gintong dahon na unti-unting nadudurog hanggang sa ito'y tuluyang humalo sa kaluluwa ng hangin. -watashiwamusouka AMIRA Sapo-sapo ko ang aking balakang dahil sa layo ng aking tinakbo. Hindi pa man din ako tuluyang nakakapasok sa loob ng cafeteria, may isang grupo ng kababaihan ang lumapit sa akin at walang ano-anong sinabunutan ang aking buhok. Inabot ko ang dulo ng aking buhok at sinubukan itong hilahin pabalik ngunit matalino ang mga matsing dahil lumapit ang isa pa para masigurong hindi ko matatanggal ang kamay nilang mahigpit na nakahawak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD