"Kung may dapat kang katakutan, iyon ay ang iyong sarili." -watashiwamusouka VENUS Ngayong araw nakatakdang bumalik sa Pinas sina Beshy. Kagabi, tumawag na ito sa akin, umiiyak siya habang ibinabalitang wala pa ring pag-usad na nangyayari sa paghahanap ng lunas para sa mga anak namin. Kahit nadurog ako sa balitang sinabi niya, pinilit ko iyong itago habang nakikipag-usap sa kanya. Pare-pareho kaming desperado. Gustuhin ko mang sumigaw, umiyak, mas lalo lang no'ng pababagsakin ang damdamin ni Keisha. Masyado na siyang maraming iniisip, lalo na't hindi lang ang Saint Augustus ang hinahawakan nila ngayon. Nariyan ang Black Mamba at H&S na inaasikaso nilang mag-asawa. "Honeybunch, may dinner date tayo mamaya kasama sina Kamatayan. Si Xen, pupunta rin kasama si Ate Autumn. Wala ka namang g

