ZCHICK APOLLO (PHOBOS) "What do you think you're doing?" malamig kong tanong kay Aizarina at sa grupo nito. Eksaktong dalawampung segundo na silang nakaharang sa dinaraanan ko, at ang tanging ginagawa lang niya ay titigan si Amira habang nagpupunas ng kanyang pekeng luha. Gumuhit ang maiksing ngisi sa aking mukha dahil hindi ko na maatim na pagmasdan ang ka-plastikan niya. "I'll count to three, kapag hindi niyo hinila palayo 'yang Reyna niyo, mapipilitan akong ipatapon 'yan sa punishment room," seryoso kong banta. Natakot naman ang kasamahan niya na ikinatuwa ko. Mabilis silang kumilos para ilayo sa harapan ko ang kanilang Reyna-Reynahan. Habang ninanamnam ang satisfying na tanawin, naramdaman ko ang pagpisil ng dalawang daliri ni Amira sa aking likod. Binalingan ko siya ng ti