CHAPTER 9.5

1156 Words
AMIRA Paika-ika akong sumibat sa kwarto ng bwakanang ipis na iyon habang nakahawak ang aking isang kamay sa aking balakang. Nagpapasalamat ako dahil masyadong mahimbing ang kanyang tulog dahil kung inabutan na naman ako ng umaga doon paniguradong masisiraan na ako ng bait. Malalim na ang gabi at heto ako ngayon, nanghihina na nilalakbay ang daan patungo sa dormitoryo. Yumakap ang malamig na hangin sa buo kong katawan habang ang malaking buwan ay nakamasid sa aking gawi. Mabibilis ang yabag na ginagawa ko dahil mag-aalas otso na. Masyadong delikado sa katulad ko ang abutin ng ganitong oras sa labas. Pagkapasok ko sa gate ng dorm, sinubukan kong mas bilisan ang paglalakad hanggang sa makarating ako nang ligtas sa tapat ng aking pinto. "Hey!" tawag sa akin ng isang babae. Siya 'yong makulit na nilalang na nag-aalok na sumali ako sa club nila. Hindi ko ito sinagot, at masyado akong pagod para bigyan siya ng pansin. "Here, may nag-iwan nito sa tapat ng pinto mo kanina," ani 'ya sabay abot no'ng kulay pulang papel. Nagdadalawang-isip man, kinuha ko iyon tapos sinipat. SEE YOU ON BEAVER'S MOON Huh?? "Ano 'to? Sinong tanga ang naglaglag?" mataray kong tanong kay Hayashi na namumula ang mukha. Dapak? Anong problema sa kanya? "Uhm, hindi ko nakita kung sino pero alam ko kung anong grupo ang madalas na magpadala ng red warning lalo na sa katulad mo na baguhan s***h malapit kay King Phobos," tugon nito. "Tell me kung sino? At anong ibig sabihin nito?" desperado kong tanong. "Ahhm~~ wag kang magtangkang lumapit," babala nito. "Masyadong umaalingasaw ang amoy ng binhi ni King Phobos sa iyo," dugtong pa nito. Hindi naman ako bobo para hindi makuha ang gusto niyang sabihin. Niyakap ko nang mahigpit ang katawan ko dahil sa hiya. Peste! Hindi na ako nakapaghilamos man lang o nakapagbanlaw dahil nagmamadali akong makatakas sa manyakis na ipis na iyon. "Ahm, sabihin mo na kasi agad sa akin kung ano ang ibig sabihin ng nakasaad dito at kung sino ang nasa isip mong nagpadala!" iritable kong ani. Bago sumagot, luminga muna ito sa paligid. "Uhm for me lang, ah, ang Queen's knight ang may kagagawan nito. Sila lang kasi ang grupo na uhm, anong tamang term doon? Parang basagulero gano'n. Well, sila kasi ang grupo na pumuprotekta sa Reyna simula pa noong maluklok siya sa kanyang trono. Since wala pa rin ito at hindi pa pumapasok sa Saint Augustus, napansin ata nilang isa kang malaking tinik sa relasyon ng Reyna at ni King Phobos. At doon naman sa nakasulat na Beaver's moon, iyon ay pangalan ng buwan kung saan ka nila aatakihin. Kung hindi ako nagkakamali sa November 19 iyon lalabas kaya may isang buwan ka pa para ihanda ang iyong sarili," paliwanag ni Hayashi. Literal na nalaglag ang aking panga sa kanyang tinuran. Dapak! Anong gagawin ko? Hindi ko alam kung ano ang kayang gawin ng mga bampirang kagaya nila. Paniguradong talo na ako dahil wala akong ibang superpowers maliban sa kagandahan lang. "Ahm~~ Okay. Salamat," matipid kong tugon. Bago pa man ako pumasok sa loob, may pahabol pa itong babala. "Kaya girl, pag-isipan mo ang alok ko sa iyo. Ipinapangako ko na hindi ka mag-iisa sa laban na kakaharapin mo. Pero kung buo na talaga ang desisyon mo and confident ka sa haba ng iyong mga pangil, I'm looking forward to be your new slave." Hindi na ako nakasagot pa dahil tumalikod na ito sa akin at bumalik na sa kanyang kwarto na katabi lang no'ng sa akin. Don't tell me inabangan niya talaga ang pagdating ko? Hindi naman siguro niya naamoy 'yong sugat ko, right? Nagpasya na akong pumasok sa loob at dali-dali itong isinara. "Beaver's moon~~Queen's knight. Psh! May Reyna na pala ang ipis na iyon bakit nangangaliwa pa siya? Tsss! Ano ako? Parausan? Porket wala 'yong kasintahan niya ako ang target niya? tang*na niya pala!" inis kong asik habang pasalampak na ibinato ang bag ko sa sahig. Hindi maalis ang tingin ko sa kulay pulang papel. Hindi naman ako natatakot sa bardagulang mangyayari pero, lugi kasi ako! "Ito na ba ang parusa mo sa akin, huh? Queen Aprodite!!! Inggit na inggit ka't hindi na ako virgin?! Bwesit! Akala mo maililigpit mo ako sa paganito- ganito? Asa ka! Ako pa rin ang pinakamagandang nilalang sa buong mundo kaya hindi kita aatrasan sa kamalasang ipapadalawa mo rito sa lupa para kitlin ang buhay ko!" Hayyy! Ano bang pinagsasasabi ko? Makaligo na nga lang dahil nandidiri na ako sa katawan ko. AIZARINA CLEMENTE "Gano'n ba? Sige, bukas na bukas din ay papasok na ako sa Saint Augustus. Pasensya na kayo, ha? Tungkol naman doon sa sinasabi niyong umaahas kay Phobos wag niyo na lang intindihin, alam niyo namang ayaw na ayaw sa akin ng Hari," ani ko habang umiiyak. "Hindi kami makakapayag na magpatuloy ang ganitong trato sa iyo ni Phobos. Ikaw ang napiling Reyna kaya nararapat na gamapanan niya ang trabaho niya. At wag kang mag-alala, Aizarina, ako mismo ang tatapos sa buhay ng baguhan na iyon. Masyado siyang mayabang para isnabin ang mga markang ibinabato ko simula noong dumating siya kaya kung ano man ang mangyari sa kanya, labas na ang konsensya mo roon," ani Rose, ang President ng aking fandom Hinayaan kong maghintay siya ng ilang segundo para namnamin ang aking hikbi nang sa gano'n ay mas lumalim ang pagnanasa niyang puksain ang tinik na humaharang sa pangarap ko. "Sige na. Kailangan ko nang magpahinga dahil hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko. Maraming sa lamat sa pagpapagal mo, Rose, at pasabi na rin sa iba na nagpapaslamat ako sa kanila. Mahal ko kayong lahat. Kayo ang nagpupuno ng pagmamahal na matagal ko nang hinihingi kay Phobos." Pagkatapos ng mahabang pag-arte, ibinaba ko na ang tawag dahil masyado nang maraming napipigang ubas ang kaliwa kong kamay. A new little rat is trying to mess with my kingdom. "Mada'am pinatawag mo po ako?" tanong ni Heraldo, ang aking butler. "Yes, pakitapon nitong kinakain ko dahil nawalan na ako ng gana. At pakidala na rin dito no'ng gamot na iniinom ko dahil wala na akong stock. Bukas na bukas din ay babalik na ako sa Saint Augustus dahil may babaita raw na bagong salta na may malaking pangarap at sumusubok na agawin ang trono ko." , "Pero ma'am, delikado na po sa inyong kalusugan ang pag-inom ng gamot na iyon, baka mas lalo kayong manghina kapa--" "Sinabi ko bang sermonan mo ako? 'Yon nga ang balak ko, eh. Ang manghina at mas lalong kaawaan ng lahat. Pasasaan din at makukuha ko rin ang simpatya ni Phobos, at hindi lang iyon, baka si Deimos ay maawa na rin sa akin at tumayo sa aking harapan para kumbinsihin ang kanyang Kuya na tanggapin ako sa buhay niya. Kaya ano pang tinitingin-tingin mo d'yan? Kunin mo na ang pinapakuha ko!" "Yes po, ma'am." Pagkasara ng pinto, pumunta na ako sa malaki at malambot kong kama at nahiga. Amira Bethany Saraspe, nangangamoy bagong alipin! Hahahahahaha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD