CHAPTER 10: THE CHOSEN QUEEN

1564 Words
AIZARINA "Ahm, gano'n po ba, Tito Finn? Okay po, naiintindihan ko naman po," mahinahong ani ko sa kabilang linya. Pagkababa ng tawag mabilis kong itinapon ang aking cellphone sa sobrang inis. "HAHHHHHHH! BWESIT! BWESIT! BWESIT! Paniguradong kagagawan na naman ito ni Phobos para hindi ko maistorbo ang kung ano mang ginagawa nila no'ng baguhan na iyon! Ha! Talagang isinusuka niya ako sa buhay niya?! Hindi niya ba alam na maraming naghahangad na matikman ang dugo ko tapos gaganituhin niya ako?!" nanggagalaiti kong sigaw habang walang humapay na pinagtatapon ang mga bagay na mahawakan ng aking kamay. "Huminahon po kayo, Senyora. Sundin niyo na lamang ang utos ngayon ni Master Finn dahil paniguradong para sa ikakaganda rin ng imahe mo ito. Kapag naging matagumpay ang resulta ng kanyang eksperimento gamit ang inyong dugo, mas lalong babango ang inyong pangalan sa mga magulang ni Phobos. Malay niyo, sila pa ang magtulak sa kanilang anak na tanggapin ka," sabi ni Heraldo. Natahimik ako't natigilan sa kanyang tinuran. Isang maitim na ngisi ang kumawala sa aking bibig. "Kung sabagay, may punto ka riyan. Oh, siya! Pahiram ako ng iyong cellphone dahil tatawagan ko ang aking alagad," ani ko. Pagkabigay nito ng telepono, kaagad kong dinial ang number ni Joker, ang Vice President ng Queen's knight. "Hello? Joker? Si Aizarina ito," maamo kong bati sa kabilang linya. "Pasensya na kayo kung medyo matatagalan pa ang pagpasok ko sa Saint Augustus," panimula ko habang nagpapakawala ng sunod-sunod na pekeng hikbi. "Hah? Hin--hindi. Hindi ako umiiyak. Nalulungkot lang ako dahil miss na miss ko na kayo. Kung hindi lang dahil sa utos ni Phobos, edi sana nakakasama ko na kayo ngayon. Paniguradong ayaw niya akong makita dahil may bago na siyang mapaglalaruan." Natuwa ako noong marinig ko ang sunod-sunod na murang pinapakawalan ni Joker. Tama 'yan. Kailangang magalit kayo kay Phobos at sa babaeng kinakasama niya ngayon. Kailangan niyong gumawa agad ng paraan para mabura sa landas ko ang baguhan na 'yon! "Wag kayong mag-alala, ayos lang ako. Pasensya na~~ masyado akong nadudurog ngayon dahil sa nangyayari. Sige na, Joker. Sumisikip na naman kasi ang dibdib ko dahil sa labis na pag-iyak. Mugto na rin nga ang aking mga mata at hindi na ako nakakakain nang maayos dahil sa lungkot. Gustong-gusto ko na rin kayong makitang lahat, paalam." Pagkababa ko ng tawag, pinalakpakan ako ni Heraldo dahil sa magaling na pag-arte. "Ibang klase ka talaga, Senyora. Walang sinuman ang hindi mo napapagalaw sa iyong palad dahil sa iyong arte," pagpupuri nito. Ngumiti lang ako dahil gano'n na ang labanan ngayon. Kailangan kong maging matalino para mapabagsak ko ang mga Hernandez. Sisingilin ko sila sa pangyuyurak sa angkan ng Salcedo! Ipapatikim ko sa Kamatayan na iyon kung gaano kasakit ang mawalan ng minamahal sa buhay! Gagawin ko sa anak nila kung ano ang ginawa niya kay Ate Kate! AMIRA Anong oras na?! Shuta! Magda-dalawang oras na pala akong nagpupulot ng basura rito sa gymnassium, salamat sa bwakananang ipis na iyon! Ke aga-aga, hinila ako ni Crik, ay hindi, hindi niya pala ako hinila dahil pinosasan niya ang dalawa kong kamay hanggang sa makarating kami rito sa gymnassium. Noong tinanong ko siya kung ano ang gagawin ko? At kung ano ang trip niya? Tumawa lang ito at sumagot na utos raw ni Phobos. Pulutin ko raw ang lahat ng basura na nakakalat sa sahig at hindi lang iyon, i-segregate ko pa raw!! Hindi na ako nakapalag dahil ALIPIN ako ng bwesit na iyon at alam ko naman na sinadya niyang magkalat dito para may maiutos lang sa akin. Pagkatapos niya akong pahirapan kahapon, pagkatapos niya akong lantakan at pagurin tapos ito ang igaganti niya?! Bwesit siya! Wag siyang makasipsip-sipsip ng dugo sa katawan ko dahil babayagan ko talaga siya! Pagkatapon ko ng huling balat ng saging, nagpahinga muna ako saglit bago bumalik sa room. Kailangan ko pa ring pumasok kahit absent na ako sa unang subject. Hindi ako nagpapagal at nagtitiis na magpaalipin sa isang demonyo para lang tumunganga at magpa-chill-chill. "Hah! Gora na, Amira! Ipakita mo kay Aphrodite na hindi ka susuko!" bulalas ko sa aking sarili. I just hate Aphrodite dahil tinagurian siyang Goddess of beauty na dapat ay sa akin. Hindi ako nagse-self claimed. Maganda ako, totoo akong maganda. Lahat ng kamalasang sinasapit ko ay sinisisi ko sa kanya dahil panigurading naiirita siyang makita ang pagmumukha ko rito sa balat ng lupa. Hindi niya matanggap na mas maganda ako sa kanya at gusto niyang mawala na ako! A/N: She's weird sometimes, I'm sorry. Pagkatapos kong makabawi, isinukbit ko na ang aking bag at binagtas na ang daan patungo sa classroom. Pagkarating ko roon, nasa unahan pa rin 'yong first subject Teacher namin. "You are too early for the next subject Ms. Amira," bati nito na mukhang hindi nagustuhan ang entrada ko. Imbes na yumuko at mag-sorry, dumire-diretso lang ako sa paglalakad patungo sa vacant seat third to the last row. I like that spot. Ayaw kong maupo sa unahan dahil nagbabalak akong matulog. Hindi ko pinansin ang bati sa akin ang Teacher namin. Kung tinatanong niyo ako kung nasaan ang manners ko, nandoon sa inidoro, na-flush na. At saka, why bother? Ganoon din naman 'yong mga ibang estudyante. Kung tutuusin mas matino pa ang ugali ko kumpara sa ibang naririto sa silid. At saka hindi ko kayang makipagplastikan ngayon dahil masama ang timpla ko dahil sa kapangahasan ni Phobos. Daming alam ng ipis, bwesit! Sana ay hindi mangamoy ang uniporme ko dahil, sasampigain ko talaga ang magrereklamo! Pagkaupong-pagkaupo ko pa lang ay ipinagpatuloy na ni Tanda ang boring niyang discussion about History. Buti at hindi na siya nag-abala pang sermunan ako sa ugaling pinakita ko, kasi ako na ang maaawa sa kanya kahit bampira pa siya o tao na katulad ko. Bastos na kung bastos, babastusin ko talaga siya ngayon. Kumukulo ang dugo ko! "Excuse me Sir!" malakas na tawag ng kung sino mang nilalang. Hindi ako tumingin sa likod dahil hindi naman ako interesado. "Yes your Majesty?" Magalang na tanong no'ng teacher namin. "Since wala pa namang proper arrangement ng upuan, I suggest na dito siya sa unahan ko maupo si Amira, since reserve for new student ang pwesto na iyon," suhestyon ni Phobos. Naningkit na lang ang mga mata ko sa sinabi niya. Noong makita ko kung anong upuan ang tinutukoy niya halos mamura ko talag siya! Like WTF? Papaupuin niya ako sa isang lumang upuan? And ano raw? Reserve for the new student? Psh, may ganyan ganyan pa silang nalalaman, taena lang. Sarap niyang isako, promise!! "Okay, then Miss Amira please occupy the vacant seat in front of the Majesty," sabi no'ng bugok naming Teacher. Bugok, kasi kalbo siya. At dahil ayaw ko naman ng gulo at baka maparusahan pa ulit ako, sumunod na lang ako sa pinag-uutos ng Teacher namin. Noong makita ni Phobos kung gaano kainis ang mukha ko, isang ngisi ang pinakawalan niya. 'Yong dalawang ulupong na katabi niya sa upuan ay hindi maipinta ang mukha. Psssh, don't tell me, nakararamdaman sila ngayon ng simpatya sa akin? Hindi maalis ang mga mata ko sa nakakainsultong mukha ni ipis. Hindi na ako nakapagpigil at ginantihan ko ng isang malutong na p4kyu ang napakapangit niyang mukha. Lamunin mong g*go ka! Napupuno na ako sa iyong bwesit ka! Wala akong pake kung alilain mo ako mamaya basta mapahiya lang kita ngayon! "Okay class, kanino na ba tayo natapos, ah?" tanong ni Sir Bugok. Tumaas ng kamay yung katabi ko. Tumayo ito at marahang inayos ang uniporme niya. "Hi! I'm Hayashi Araquel, 18 years old. I am in the Sacred crown group and I killed 3 people and 10 vampires last school year, and I am also part of the Dance club," nakangiting sabi nito. Oh, shet! Heto na naman ang introduce yourself! Hindi pa rin pala tapos ang adjustment period, susmiyo! Nagpalakpakan ang mga kaklase namin na parang bilib na bilib sa sinabi ni Hayashi. "Next, Miss Amira," tawag nang guro namin. Umismid muna ako bago tumayo. "I'm Amira Bethany Saraspe. I am not a member of any gang," tamad na tamad na ani ko tapos umupo na. Nagulat ako noong marinig ko ang tawanan ng mga tao sa aking likod. What's funny? Binalingan ko nang matalim na titig yung mga pashneang wagas kung makatawa, yung tipong mamamatay na. Kala niyo kayo lang ang may karapatang magpakawala nang matalim na titig ahhh?! Tsss. "Silencio! Anong tinatawanan niyo?" inis na tanong no'ng Teacher namin. May isang lalaki ang naglakas loob na tumayo at isiwalat ang kung ano mang nakakatawa. "Sir, may tagos po kasi siya," tatawa-tawang tugon nito. Take note, MALAKAS NA PAGKAKASABI MGA BES! Tae lang. Nagtinginan ang lahat at nagsitawanan. At dahil hindi ko na keri ang labis na kahihiyan, tumayo na ako't dali-daling tumakbo palabas ng room dala-dala ang bag. Mga peste! Makatawa wagas! Kala mo naman di nireregla mga nanay nila! Pagkarating ko sa comfort room ay agad kong chineck ang palda ko. Ang alam ko hindi pa ako dapat datnan ngayon, eh! Sa susunod na linggo pa dapat! Halos mag-alburoto ako sa galit no'ng na-wash out kaagad sa tubig 'yong red stain. Pukingang, food color?!!! "Aaaaaahhhh! That peste! I hate his guts talaga! Siya lang makakagawa nito sa akin. Taena talaga ang kumag na Phobos na 'yon!!!!" sigaw ko habang nakakuyom ang dalawang kamao. Buti na lang ako lang mag-isa sa loob kaya free ako magwala. That jerk!!! MAGBABAYAD KA TALAGA, ZCHICK APOLLO!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD