MAGBABAYAD KA TALAGA, ZCHICK APOLLO!!!
Kimkim ang nag-uumapaw na sama ng loob, dali-dali akong lumabas sa cr, walang paki sa mga nilalang na nakatingin sa gawi ko. Mamatay kayo kakatitig mga hayop! Namumuro na ang bwesit na buwan na 'yon, akala niya hindi ako lalaban?! Utot niya!
Pagkarating ko sa room halos magbunyi ang aking kaluluwa noong makitang wala na si bugok.
"PHOBOS!" malakas kong sigaw. Naagaw ko ang atensyon ng lahat, tama 'yang ginagawa niyong mga walanghiya kayo. Pagmasdan niyo kung ano ang gagawin ko sa Hari niyong manyakol!
Halos takbuhin ko ang nakangisi nitong mukha. Sa sobrang galit, hinayaan ko ang aking kamao ang magbigay ng hatol sa demonyo.
"Amira!!" hindi makapaniwalang bulalas ni Crik. Nagsitayuan ang kampon ni ipis, may ilan na umawat sa akin at buong lakas na ikinulong ang aking mga braso pero masyado akong makulit. Hindi ako makakapigil na hindi mabawi sa lahat na pasakit na ibinigay niya simula noong mapunta ako sa bahay nila.
"Ano ha?!! Ayos, nakangiti ka pa ring bwesit ka! Nakakatuwa 'yong ginawa mo, huh? Akala mo ikinadagdag ng kapreskuhan mo ang gano'ng klaseng prank?!" inis kong bulyaw. "Ahm~~ with regards d'yan, Amira, ako kasi ahm ang may pakana no'n. Walang kinalaman si-- I mean, hindi alam ni Phobos na may food color doon sa upuan mo," pag-aamin ni Crik na ikinagulat ng lahat.
Literal na tumigil ang galit ko dahil sa sinabi nito. Putang*na!
Pinagmasdan ko si Deimos na nakatingin lang nang diretso sa gawi ko.
Anong gagawin ko? Hindi pala si Phobos ang may kagagawan pero shuta, hindi ko babawiin 'yong sinabi ko. Kung tuuusin malaki naman talaga ang atraso niya sa akin.
Isang malutong na kotong sa ulo ang ibinigay ko kay Crik bago kaswal na naglakad palayo sa kanila. Pagkaharap ko, nanlilisik na mga mata ang sumalubong sa akin. Hah! Sige lang! Patayin niyo ako sa mga titig niyo kung kaya niyo!
"Amira, sandali," ani Deimos na may paghawak pa sa aking braso. Sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi ba niya nababasa 'yong mood? galit na galit na sa akin 'yong mga kaklase namin tapos dadagdagan niya pa ang eksena?
"Ano namang sayo? May aaminin ka rin? Kasabwat ka ni Kanal?", "No, may gusto lang akong sabihin sa iyo," ani ya tapos tumakbo siya nang wala man lang pasabi, kaya ang ending, eh, kinakaladkad niya ako papunta sa kawalan.
"Bitiwan mo ako! Deimos!! Ano ba! Saan mo ba ako dadalhin!" sigaw ko habang sinusubukang magpumiglas.
"Excuse me, can we use this room? Kailangan ko lang gamutin ang sugat niya," pagsisinungaling nito sa Nurse. Hindi na ako nakapagsalita dahil pumayag agad si bobo.
Patuloy akong kinaladkad ni Deimos at pinakawalan lang ang kamay ko noong maihiga ako nito sa kama. Nagsimulang kumalabog ang dibdib ko dahil sa malalagkit na titig nito.
"A-anong gusto mo?! Ba-bakit mo ako dinala dito sa clinic!?" bulalas ko. Palakpakan niyo ako dahil nagawa kong umaktong matapang kahit nanginginig na ang aking mga binti. Shuta! Nakadagan ba naman ang binti nito sa hita ko, malamang pupulikatin ako.
"Sabihin mo sa akin bakit hindi mo ako sinipot noong gabing pinapapunta kita sa kwarto ko," seryosong ani 'to. Isang malaking tandang pananong ang gumuhit sa aking mukha dahil hindi ko makuha ang kanyang tinuran. "High ka ba? Anong kagaguhan ang pinagsasasabi mo? Bakit naman ako pupunta sa kwarto mo ng gabi, ah? Ano ako buang?" tatawa-tawa kong sagot.
Nguimisi ito na animo'y na-disappointed sa aking sinabi.
"Sabi ko na nga ba. Alam mo ba kung gaano ako nalungkot noong imbes na sa akin ka mapunta, sa kapatid ko lnahulog ang isang katulad mo?", "Anong pinagsasasabi mo? Pwede ba lumayas ka sa harapan ko at baka hindi ako makapagpigil, matuhod ko 'yang bayag mo!" seryosong banta ko, ngunit hindi ito nagpatinag. Napangiwi ako noong haplusin ni Deimos ang aking pisngi.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o mandidiri.
"Ano ba, Deimos! Hindi ako nagbibiro?! Umalis ka s---" Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin dahil sinelyuhan niya ang aking bibig gamit ang dalawang labi nito. Hinila niya ang nagtatago kong dila at pinilit na paglaruan ito.
Buong lakas kong itinutulak ang dibdib nito palayo ngunit walang-wala ang lakas ko sa katulad nilang demonyo. Nagulat na lang ako at labis na nabalot ng takot noong dumaon sa ibabang labi ko ang pangil nito.
Dumaloy sa aking baba ang dugo hanggang sa maabot na nito ang aking leeg.
Hindi ako makapagbitaw ng isang salita dahil hindi ako binibigyan ni Deimos ng pagkakataon.
"A-ano ba?! Deimos!" bulalas ko noong pakawalan na nito sa wakas ang aking bibig. Tumawa ito nang nakakaloko na mas lalong naghatid ng takot sa aking kaluluwa. "Now I know kung bakit gano'n na lang kailap ang Kapatid ko. You're blood is the sweetest, Amira!" ani 'ya. Alam kong masarap ako, pero shuta siya, wag niya akong idaan-daan sa ganito. Hindi ko alam kung kulay lila na ba ang hita at binti ko dahil hindi niya pa rin tinatanggal ang binti niyang nakadagan doon.
Akala ko titigilan na niya ako pero doon ako nagkamali. Mas lalong naging malagim ang susunod na hakbang na ginawa ni Deimos. Para siyang buang na tinubuan ng pangil at walang habas na siniil muli ang aking bibig. Wala akong magawa kundi ang magmakaawa ngunit sarado ang tenga nito. Gumalaw ang kanyang kamay at hinimas ang aking katawan. Ayaw ko man, masyadong magaling si Deimos at napaikot agad nito ang aking isipan. Tumulo ang luha sa aking mga mata habang ninanamnam niya ang aking dugo.
Naramdaman kong tuluyan nang humalik ang mainit nitong palad sa aking dibdib. Nakaramdam ako ng kakaibang init na unti-unting lumalamon sa aking sistema. Habang nakapikit ang aking mga mata, nananalangin ako na sana ay may nilalang na tumulong sa akin kahit mukhang malabong mangyari iyon dahil sinigurado ni Deimos na walag mang-iistorbo sa amin. Ni-lock nito ang pinto kaya kung ano man ang mangyayari sa akin ngayon, ipapaubaya ko na lang sa mahabaging nilalang sa taas.
Umawang ang aking bibig at nagpakawala ng mahihinang ungol noong nakarating na sa aking hita ang mainit na kamay nito.
Hindi ko mapapatawad ang aking sarili dahil sa ungol na ginagawa nito ngayon.
'Phobos---'
'Help me!'
'Please!!!'
*BOGSH*
Napayakap na lang ako sa aking katawan at napasigaw noong bigla na lang tumalsik si Deimos. Bumaon ang kanyang katawan sa pader dahilan para magkaron ng malaking bitak doon.
Pagkaangat ko ng tingin, tumambad sa akin ang galit na mukha ni Phobos.
Noong nagtama ang aming mga mata tila may kung anong kumurot sa aking dibdib. Hindit ito nagsalita ngunit hinubad nito ang kanyang suot na uniporme at itinapon sa nanginginig kong katawan.
"Close your eyes and just wait. I'll end this in a minute," ani 'ya. Kaagad kong sinunod ang utos nito na hindi ko alam kung bakit ko ginawa. Hindi ko man makita kung ano ang ginawa nilang dalawa, nagta-trabaho nang maigi ang aking dalawang tenga. Rinig ko ang paglaglagan ng mga kagamitan, ang tunog ng basag na salamin ang nagsilbing musika sa aking tenga. Sinubukan kong umayos ng upo na pinagsisihan ko. Dahil hindi nakabukas ang aking mga mata, ayon may bubog na bumaon sa aking binti.
"Tama na 'yan! Phobos!" lakas loob kong saway kahit hindi ko alam kung sino ba ang naaagrabyado sa dalawa.
Ilang segundo lang ang nakalipas pagkatapos kong magsalita, bumalot ang katahimikan sa paligid. Noong iminulat ko ang aking mga mata, nakayakap na sa akin si Phobos.
"Sinabi ko bang ibuka mo na ang mga mata mo?" malamig na tanong nito. Hindi ako nakasagot, dahil busy ako sa pagsiksik ng aking mukha sa dibdib nito at pagpigil sa dugo sa aking binti. Shuta ang sakit!!!
"Come on, don't restrain your tears. You can cry out loud, walang manghuhusga sa iyo," kalmado nitong ani. Noong marinig ko iyon tila may sariling buhay ang aking mga mata at hindi na napigilan ang pagbagsak ng aking mga luha. Nakakahiya man, para akong batang mahigpit na nakakapit sa kanyang magulang habang umiiyak.