CRIK Nagkakagulo ang lahat dahil sa babaeng 'yon. Hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang pag-aaway ng dalawang magkapatid. Tssss, kasalanan ko itong lahat dahil ako ang nagsimula no'ng prank kay Amira pero hindi ko naman aakalain na hahantong sa ganito. "Dude, tama na! Baka mapatay mo ang Kapatid mo!" bulalas ko. Natigilan ito sa pambabasag sa mukha ni Deimos at humarap sa akin dala-dala ang seryoso nitong mukha. Napaatras na lang ako dahil sa labis na takot, lalo na noong mapagtanto ko kung gaano kalala ang purong tinamo ni Deimos. "Kapatid? Hahahahaha! Kahit kailan hindi ko matatanggap ang isang katulad niya bilang kapatid. Ngayon, ilayo mo na ang gagong 'yan dito hangga't kaya ko pang pigilan ang sarili ko. Ilang beses ko nang ipinakita sa inyo na pagmamay-ari ko ang babaeng 'yo