CHAPTER 64: HULI KA'T KULONG

1150 Words

Kakasimula pa lang kumalat ng gabi, ngunit ang lagim ay kanina pa pinuputakte ang sistema ng kaawa-awang dalaga. Nanginginig ang kanyang katawan sa takot, habang walang-awang kinakaladkad ng minsang itinuring niyang kasangga. Hindi niya alam ang daan na kanilang tinatahak, ni ang huni ng ibon na umaawit sa kanilang itaas. Habang palayo sila nang palayo, paginaw nang paginaw ang paligid. Huminto ang mga paa ni Joshua, at tiningnan ang kalagayan ng kanyang magandang biktima. "We're here. Napagod ka ba sa paglalakad?" tanong nito nang nakangiti. Hindi umimik si Amira, hinigpitan niya ang yakap sa kanyang sarili dahil nanunuot sa manipis niyang kasuotan ang lamig ng hangin. Dahan-dahang ibinaba ni Joshua ang kanyang katawan upang kargahin ito, ngunit inilayo ni Amira ang sarili sa binata.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD