AMIRA "Wag na kayong mahiya, dahil tayo lang customer dito. Sinara ko talaga 'tong bar namin dahil napanaginipan ko na 'to na mangyayari," wika ni Hayashi. "Ang ganda. Bakit ngayon lang nagpunta rito?" tanong ko. 'Yong una nilang business which is cafe, ibinenta na nila't ipinangdagdag para sa rito sa. Mabuti na lang at tinamaan sila ng swerte, pumatok na. "Wow! Ikaw pa talaga nagtanong kung bakit? Imbes na isang buwan po kasi 'yong OJT mo sa Paris, ginawa mong dalawa. Kung hindi ka pa malakas kay Lord, ewan ko, baka hindi ka naming kasamang grumaduate. Mabuti si King Phobos, kahit saan mo dalhin nakakasunod sa itinuturo ng prof, susko, Amira! Mabuti na lang talaga. Kamuntikan ka pang malaglag dahil dyan sa--" Tinarayan ko siya dahil oo na, alam kong ako na ang may kasalanan kung bakit

