ZCHICK APOLLO (PHOBOS)
"I'm really excited para sa seremonya mamayang gabi," gigil na panimula ni Crik. Naririto kami ngayon sa opisina exclusive for Royalty members. "Tss, kahit naman hindi araw ng seremonya, excited ka pa rin na sumisipsip ng dugo, sabihin mong hindi," banat ni Deimos. "Dude, binubuking mo naman ako, eh. Hindi mo ba alam, iyon ang sikreto kaya lalo akong gumagwapo? Kaya kabahan ka na, dahil darating ang araw na mas makinang na ang mukha ko, kesa sa iyo."
Tumikhim ako dahil sa masyado na silang maingay. Hindi ako makapag-isip nang matino rito, ngayon.
"Speaking of seremonya, sino ang hapunan mo mamaya? Si Aizarina ba?" usyosong tanong ni Crik. Ngumuwi ako dahil never kong lalantakan ang dugo ng babaeng 'yon.
Magkukulong na lang ako sa kwarto ko hanggang sa lumipas ang buong gabi kesa sipsipin ang nakakadiri niyang dugo. Hindi ako titikim ng kahit anong dugo maliban kay momm--
*sound of heavy breathing*
"Ha, Phob--os, stop."
"Ahhh--"
Napasapo ako sa aking bibig noong sumagi sa aking isip ang mapaglarong larawan ni Amira habang umuungol.
"Ayos ka lang, dude? Namumula ka ata," nag-aalalang tanong ni Crik. Lumapit ito sa akin pero mabilis akong tumayo at nagtungo sa banyo.
Pabalagbag kong isinira ang pinto at sinipat ang salamin. Gaya nga ng sabi ni Crik, labis na namumula ang aking mga pisngi pati tenga.
"Fck! What is the meaning of this?" naguguluhang tanong ko.
Ngayon lang nangyari sa akin ang makaramdam nang ganito.
I clutch at my chest para pakalmahin ang puso kong sobra ang kalabog. Ipinikit ko ang aking mga mata para alisin sa isip ang nangyari kagabi. Hindi ko sinasadyang gawin iyon sa kanya, pero tang*na! Pagkatapos kong matikman ang dugo niya, hindi ako nakatulog magdamag kakaisip ng lasa.
"Dude? Are you okay?" tawag ni Crik na may kasama pang katok sa pinto.
Inayos ko ang aking sarili bago lumabas. Tinapik nito ang aking balikat at sinipat ang aking noo. "I'm okay. May naalala lang ako," tugon ko.
"Don't tell me, may gusto ka na kay Aizarina? Sinabi ko lang ang pangalan niya kanina bigla kang namula." Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para ilayo nito ang kanyang sarili sa akin.
"Nahihibang ka na ba? Ako? Magkagusto doon? Pakamatay ka na lang," mabilis kong tugon. "Tigilan mo na si Phobos, Crik. Alam mo namang mama's boy 'yan," sawsaw ni Deimos. Binalingan ko siya ng tingin saka umiling.
Sabihin na nila kung ano gusto nilang sabihin. Basta buo na ang desisyon ko na hindi ko hahayaan ang sarili kong magkaroon ng malalim na koneksyon sa kahit sinong babae, maliban sa aking Ina.
"Oh, siya, para maiba naman ang hangin dahil masyado nang mabigat. Ano na ang update ng standing mo? Deimos? Malay mo naungusan na kita, hehehehe," maligalig na panimula ni Crik.
A/N: Standing- 'Yan 'yong bilang ng nilalang na napatay nila :3 Mapa bampayr man o tao.
Ngumisi si Deimos bago magsalita. Base sa ekspresyon niya, paniguradong dumagdag ang standing nito.
"Ako? 115 lang naman. Malayong-malayo kumpara kay Phobos," mapagpakumbabang sagot nito. Napasapo si Crik sa kanyang noo noong marinig ang sinabi ni Deimos. "Mga halimaw talaga kayo! Nahiya 'yong 30 na ibinaon ko sa lupa, hahahahaha!"
"Walang-wala sa 250 na standing ni Phobos, ano? Paniguradong bukas na bukas ay madadagdagan na naman ang bilang no'n, 'di ba? Idadagdag mo si Amira sa listahan mo, Kuya?" usyosong tanong ni Deimos.
Hindi ako kumibo kahit pa man tunawin nila ako ng mga titig nila.
"Wala akong balak na dagdagan pa ang standing ko. Kung gusto niyo iyong lamangan, hindi ako makikipagkumpitensya."
Halatang nagulat sila sa tinuran ko dahil napakalayo ng sagot ko sa tanong nila. Tumayo na ako't hindi na hinintay pang magtanong pa sila ng panibagong tanong dahil baka hindi na ako makapagtimpi at mabalot ang paligid ng dugo.
"Oras na para pumasok, tumayo na kayo," utos ko. Hindi na sila nakapalag pa dahil nauna na akong maglakad.
"Mamaya na ang seremonya para sa kanya. Ano ang balak mo?" tanong ni Crik habang sinusubukang tapatan ang bilis ng aking mga binti.
"Hindi ko alam kung mamaya ko gagawin, pero same old same old," mabilis kong tugon. "Ayos! Hahahaha! Saksi kami, ah? Wag mong soloh--"
Hindi ko na pinatapos pa ang kanyang sasabihin nang pandilatan ko ito ng mga mata. "Masyado ka na namang maraming kapeng nalaklak at napakatabil ng dila mo ngayon, Crik," mariin kong pamumutol. Itinaas nito ang kanyang dalawang kamay, senyales na sumusuko na ito. "Siguro nga, hehehehe. Don't worry, babawas-bawasan ko na ang pag-inom ng kape," takot nitong tugon.
Hindi umimik si Deimos, dahil hindi niya ugaling makisali sa pag-uusap namin. Mas nanaisin niyang magmasid kesa sa magsalita, na nagpapakulo ng dugo ko.
"Ayusin mo ang titig mo, Deimos, baka madukot ko 'yan nang wala sa oras," banta ko. Ngumiti ito at mabilis na iniwas ang kanyang mga mata.
Ibinalik ko na ang tingin ko sa unahan at tahimik na tinahak ang daan patungo sa aming classroom habang mataimtim na nananalangin na sana ay hindi magkrus ang landas namin ng babaeng salot na iyon.
AMIRA
Hindi ako makapaniwala na ang dami pala namin sa loob ng classroom. Grabe, kung susumahin, aabutin ata kami ng 70 na katao.
"Alright, class! Maupo na ang lahat!" bati ng guro namin na kakarating lang. Sa unahang upuan lumanding ang pwet ko dahil doon na lang naman may bakante.
"Alam niyo naman na kung ano ang gagawin natin ngayon, 'di ba? And since it's full moon mamaya, napagpasyahan na gawing isang linggo ang adjustment period. Maaga rin kayong idi-dismiss para maghanda. Inaasahan na hindi kayo masyadong magkakalat mamayang gabi, tandaan niyo, nakamasid ang Student's Council, kaya kung ayaw niyong maparusahan, umakto kayo ayon sa inyong limitasyon," mahabang linatana ng Guro.
Ako na sabog, hindi ko naintindihan ang sinabi niya. May ganap ba mamayang gabi? Pinagsasasabi niyang umakto kami ayon sa aming limitasyon?
"Kung malinaw sa inyo ang tinuran ko, magsimula na tayo sa ating business ngayong araw. I wanted to know kung ano na ang mga standing niyo. Dumagdag ba?" masaya nitong ani.
Parang buang na naghiyawan 'yong mga nilalang sa likod. May mga estudyante pang naghubad ng kanilang uniporme para lang iwagayway sa hangin, like fudge? Anong klaseng sipon ba ang pumasok sa utak nila para magwala ng ganito?
Ang mas nakaka-windang pa, eh, hindi man lang sila sinasaway ng Guro, at NAG-E-ENJOY PA NGA ANG BUANG!!!
"Enough! Okay, enough!" Sa wakas naman, eh, nagsalita na ang babaknita sa unahan pero hindi pa rin nagsitahimik 'yong mga baliw. Kami lang ata ng katabi ko ang tahimik. Napairap na lang ako habang umiiling. Hindi ko kinakaya ang kawalanghiyaan nila, grabe! Di naman ako na-informed na mga walang modo pala ang mga mag-aaral dito. Akala ko mga maaarte at toyoin lang.
Natahimik lang ang mga buang noong pumasok sa pinto si Phobos and friends. Automatic na ngumuwi ang mukha ko dahil sa presensya nila. Noong nagtama ang mga mata namin ni ipis, napayuko ako dahil parang may kung anong kumiliti sa kalooban ko.
Putragis, anong nangyayari sa akin?
Hindi ko alam kung bakit, anong dahilan, pero gagi! Nag-iinit ang katawan ko na parang ewan.
Huminga ako nang malalim para kumalma kahit papaano. Noong marinig kong lumagpas na ang mga yabag nila, doon ko lang iniangat ang aking ulo.
"Okay, gaya ng sabi ko, mag-i-introduce yourself tayo. Simulan na natin sa iyo," ani nong Guro sabay turo sa katabi ko. Proud itong tumayo tapos humarap sa mga mga buang na nasa likod.
"Hi! I'm Hayashi Araquel, 18 years old. I am in the Sacred crown group and I killed 3 people and 10 vampires last school year, and I am also part of the Dance club," nakangiting sabi nito.
P*ta lang, anong klaseng introduce yourself 'yon? Bakit kailangang isama kung ilan na ang napatay, at anong Vampire? Bakit may Vampireeeee?!! So, ibig sabihin, 'yong nangyari sa amin ni Phobos kagabi, talagang totoo. Sumipsip nga siya ng dugo sa akin?!
Omay gulay!!!
Nagpalakpakan ang mga kaklase namin na parang bilib na bilib sa sinabi ni Hayashi. Ako na windang, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Next," tawag ng Guro tapos tinititigan niya ako na bilisan ko na raw. Umismid muna ako bago tumayo. Teka? Anong sasabihin ko? Gagayahin ko ba ang format na sinabi ni Hayashi? Aisssh, bahala na si Zeus!
"I'm Amira Bethany Saraspe. I am not a member of any gang but I killed 10 people last month using my bare hands. That's all," nag-aalangang sabi ko tapos umupo na. Gaya nang inaasahan, tila, hindi nakumbinsi ang mga kaklase ko. Paano ba naman kasi, siguro gusto rin nilang malaman kung nakapatay ba ako ng bampira.
Hnggg!
"Ahhm, and bago ko pala makalimutan, I killed 8 Vam--pires," pahabol ko. Noong marinig nila iyon, para silang nabunutan ng tinik sa lalamunan.
Shuta! Pasensya ka na Mother Aphrodite at Mareng Athena. Need kong magsinungaling ngayon dahil ayaw kong maging weirdo sa mata ng mga buang na nilalang.
"That's a nice standing, huh. Ngayon lang kita nakita, baguhan ka ba?" tanong no'ng Guro. Jusko!!! Ayaw pa rin akong tantanan. Ngumiti ako para malaman niyang sumasang-ayon ako sa sinabi niya. Pwede bang mag-proceed na siya? Nagmamadali siya, di ba?
"Well, aabangan ko kung ano pa ang kayang gawin ng isang Amira Bethany Saraspe," suspish na tugon nito.
Whatever, bijj.
Nagpatuloy ang nakakawindang na introduction na may halong pagmamayabangan. Hindi naman nakakagulat ang mga standing 'kuno' nila not until sa dumako na roon sa tatlong betlog.
"I'm Crik Mortis Thompson, 18, I am at the Royalty club. I killed 30 vampires, 2 humans. Madadagdagan pa 'yan kaya wag kayong masyadong ma-amaze," taas noong sabi ni kanal.
Baho, amfufu! Anong wag ma-amaze? Sinong maa-amaze? Duh?! Napaka yabang ng bunganga!
Nagpalakpakan ang mga babaknitang nauto sa mabahong sinabi ni kanal. Sumunod naman na tumayo ay 'yong kamukha ni Phobos na kakambal niya ata dahil Deimos ang ngalan niya. Parehas silang buwan ng Mars, kaloka!
"Xymond Lyh Mendiola, 18, Prince at the Royalty club. I killed 115 vampires and I'm looking forward to killing a human as soon as possible," malamig na ani to. Lahat kami ay natulala at nalaglag ang panga.
Omaygad! 115?!!!!
Grabe! Ngayon naniniwala na ako na looks can be deceiving talaga. Hngg! Napakgwapong nilalang at akala mo ay hindi makalaglag baso itong si Deimos tapos mas malala pa pala kay kanal!
Noong makaupo si Deimos doon pa lang nagsipalakpakan ang mga buang. Nakisabay na rin ako dahil napabilib ako. Hindi ko ipagdadamot ang kaunting palakpak para sa kanya.
"Okay, at ngayon, pakinggan nating mabuti ang standing ng ating Hari," bulalas ng Guro na mukhang die hard fan pa ata ni ipis.
Aber, aber! Tapatan mo nga ang standing ni Deimos, munting ipis.
Dahil sikat ang bobong si Phobos, nagpa-suspense pa ang kumag pero bakit siya nakatingin sa direksyon ko? Gagi, iniwas ko kaagad ang mga mata ko dahil ayan na naman 'yong nagbabagang asupre, dumadaloy sa buo kong katawan.
"Zchick Apollo Yu Hernandez. 18, King of the Royalty club. I killed 250 living beings." Pagkatapos niyang sabihin iyon dahli-dali siyang naupo habang ninanamnam ang gulat na gulat na mga mukha ng mga mag-aaral.
Humay!
TWO HUNDRED AND FIFTY?!!!
Sa payatot niyang 'yan, nakaabot siya sa ganoong bilang? Hindi ba siya nagsisinungaling?
"As expected! Wala talagang makakatapat sa galing ng ating Hari, di ba?" proud na proud na bati ng aming malanding Guro. Sumang-ayon ang lahat maliban sa akin dahil never akong makikiisa sa pamumuri sa isang ipis na katulad niya.
"Alright! Ngayong nalaman ko na ang standing ng lahat, maaari na kayong maghanda para mamaya. Tandaan na ang opisyal na oras ng pagsisimula ng seremonya ay alas otso ng gabi. At dahil may baguhan pala tayo ngayon, Zchick, ngayong araw rin ba ang pakikianib niya?" tanong nito kay ipis.
Kumunot ang noo ko dahil ayan na naman sila. Anong pakikianib?
Gagawin ba nila akong bampayr kagaya nila?
Susko!!
"No. Wala pa ako sa mood para tanggapin ang salot na 'yan," mayabang na tugon ni Phobos na ikinalaglag ng panga ko.
WOW, AH! Nahiya naman ako sa kakapalan ng confidence niya!
Tumayo ako at humarap sa kanya para bigyan ito ng nakakadiring ekspresyon.
"Talaga! Hindi naman importante kung tanggap mo ako o hindi. Mag-aaral at mag-aaral ako rito sa ayaw at sa gusto mo!" malakas kong bulalas na pinagsisihan ko nang labis.
Ay shet! Siya nga pala ang nagbayad ng matrikula ko, aguy!!!!
What are you gonna do now, Amira Abethany?!!!