AMIRA
He's been staring at me for like 2 minutes straight nang hindi man lang kumukurap. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi man lang kami sinasaway nitong Guro na 'to sa unahan, eh,kita na nga niyang magkakamatayan na kami ni Phobos dito.
"Excuse me, Miss. I have something to tell this idiot," malamig na paalam nito bago maglakad patungo sa aking direksyon at hablutin ang aking braso papunta sa kung saan.
Hindi siya lumingon noong tawagin siya ni kanal at wala siang pake kung kinakaladkad na niya ako ngayon at nahihirapan.
"Ano ba! Sandali! Nasasaktan ako, Phobos!" bulalas ko. Sinusubukan kong tanggalin ang kamay nitong mahigpit na nakakapit sa aking pulsuhan.
"Phob--" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil ibinalibag nito ang katawan ko sa pader. Umawang ang aking bibig dahil sa pagkabigla at sakit na nadama.
"GAGO KA BA?!" sigaw ko straight to his fvcking face. Hindi ito kumibo ngunit inilapit nito ang kanyang mukha, 'yong tipong kaunting-kaunti na lang ay lalapat na ang kanyang balat sa akin.
"Do you wanted to die?" paglilihis nito, na hindi man lang sinagot 'yong tanong ko. Ngumisi ako dahil kung gusto ko mang mamatay ngayon, edi sana hindi na ako nagpapakahirap na mamroblema ngayon kung paano ako mabubuhay sa paaralang ito.
"You bet? Lumayas ka nga, pwede?" ani ko habang nakangiwi ang mukha. Hindi nakalusot sa akin ang paggalaw ng panga nito na animo'y handa na naman siyang umatake.
Napailing ako dahil ayan na naman, gumagapang na naman ang kakaibang init sa aking katawan. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako sa harap ni Phobos, eh noon naman nakikipagsukatan pa ako sa kanya ng titig nang hindi natatakot.
"Ha! Tumalab na nga," natatawa niyang asik. Kumunot ang noo ko dahil shuta? Anong sinasabi niyang tumalab?
Don't tell me, may iniwan siyang sumpa noong sumipsip siya ng dugo sa akin kagabi?
"Anong ginawa mo sakin, huh? Ipis!!" gigil kong bulyaw. Umakto ito na parang walang alam sa sinasabi ko na talagang ikinainis ko. Pinalo ko ang kanyang dibdib nang paulit-ulit hanggang sa angkinin nito ang leeg ko. Nanlaki ang mga mata ko noong hindi lang iyon ang kanyang inangkin kundi pati na rin ang aking bibig.
Nakaramdam ako ng may kung anong nagliyab sa katawan ko. Naglalagablab, linalamon ang buo kong pagkatao. Kasabay ng paghalo ng dugo sa aking laway, lumalim ang halik nitong walang humpay na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa akin.
Sinubukan kong ilayo ang katawan ni Phobos dahil sa sakit na nadarama. Imbes na makisama, hindi pa ito nakuntento at ibinaon ang matutulis niyang pangil sa aking leeg.
*sfx: heavy breathing*
"Phob-hah! Ahh~~"
Kumawala ang mahihinang ungol sa aking bibig, bumigay ang mga tuhod ko dahilan para sumalampak kaming dalawa sa malamig na sahig ng computer lab.
Habang nakapako ang aking likod sa pader, sinubukan kong sipain ang mga hita ni Kamatayan na nakadagan sa akin.
"Phobos~~"
"Phobos!"
Sa mga sandaling iyon, doon lang nagising ang buang na labis na namumula ang mukha. Lumagok ito ng sunod-sunod na laway tapos pinunasan ang bibig niyang may bahid ng aking dugo.
"Fvck!" mahinang bulalas nito bago tumayo at balak pa atang iwan akong mag-isa. Hindi ko siya hinayaan, dahil ano siya? Sinuswerte? Pagkatapos niyang nakawin ang dugo ko, iiwan niya ako basta-basta?!
"Don't come near me!" may diing banta nito. Para akong sinapian at mabilis na sumunod sa kanyang sinabi. Humarap ito sa akin habang nakatakip ang kanyang ilong.
"Here, basahin mo 'yng mabuti at lubayan mo ako simula ngayon," ani 'to sabay tapon no'ng papel sa sahig. Pinulot ko iyon at sinipat.
RULES TO REMEMBER?
1. Long eye contact will kill you
2. Stay away from me
3. Stay away from me
4. Stay away from me
5. Don't let anyone sniff you
6. Don't trust anyone
7. Start of the curse is 8 pm
"What is this? Why are you doing this?" naguguluhan kong tanong. Umiwas ito ng tingin. Hindi ko mapigilang hindi matawa dahil hindi pa rin humuhupa ang pamumula ng kanyang mukha.
Susubukan ko sana siyang lapitan kaso pinandilatan niya ako ng mata.
"Bilin sa akin ni mom. Ito na ang huling pagkakataon na magku-krus ang landas natin. Kapag nakita ko pa 'yang pagmumukha mo, pasensyahan na lang tayo.
Tumalikod na ito't nagsimula nang maglakad. Gusto ko sanang magpasalamat dahil nag-effort pa siyang isulat ang mga ito. And speaking of effort, muntik ko nang makalimutan na siya pala ang nagbayad ng matrikula ko.
"Phobos!" tawag ko. Tumigil ito ngunit hindi nagsayang ng oras na lumingon.
"Ikaw raw ang nagbayad ng matrikula ko para makapag-aral dito. Hindi ko man alam kung ginawa mo iyon dahil naaawa ka sa akin, gusto kong sabihin na hindi ko iyon matatanggap. Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa kahit na sinuman, lalong-lalo na sa'yo, kaya sabihin mo sa akin kung paano ko iyon babayaran. Kung may maibibigay kang trabaho, o kahit ano, gagawin ko, makabawi lang kahit paunti-unti," mahaba kong lintana.
Humarap na ito sa wakas at tang*na, abot langit ang ngiti nito. Nakaramdam ako ng masamang kutob at mas lalo iyong lumakas noong maglakad na naman ito palapit sa akin.
Palapit nang palapit
Hanggang sa wala nang espasyo ang natitira sa aming dalawa.
"You just gave me a nice idea, Amira." Oh, fvck! Umawang ang bibig ko para magsalita kaso wag na lang. Mukhang mas lalala lang kapag pinagana ko pa ang bibig ko.
Ibinaba ni Phobos ang kanyang ulo katampad ng aking tenga at nagbitaw ng isang sumpa.
"How about being my slave? Simula ngayon hanggang sa araw ng mamatay ka," ani 'to.
Noong ilayo nito ang kanyang mukha, doon lang ako umalma.
"What?! No---"
Mabilis nitong idinampi ang kanyang hintuturong daliri sa aking labi dahilan para hindi ko matapos ang aking sasabihin.
"That's a deal," nakangisi niyang dugtong tapos naglakad na palayo sa akin.
Shutang*na!!!
Hindi ako papayag na maging alila ng ipis na iyon! Pero---
Ugh?! What should I do now?
"By the way, may nakalimutan pa pala akong sabihin," ani 'ya tapos bumalik muli.
Napaatras ako nang todo dahil iyon ang isinisigaw ng isip ko, ang lumayo sa kanya.
"Syempre sa mga ganitong kasunduan, kailangan may proof, kailangang may pirma."
"Ta-tama! Ka-kaya bukas na lang natin pag-usapan ang tungkol dito dahil wala naman tayong papel at ballpen. Isa pa, baka hinahanap na tayo."
Gumana ka--
Sumang-ayon ka, parang awa mo na!
"Hindi na natin kailangan iyon kung mayroon namang alternatibo," taas noo nitong tugon.
Alternatibo?
Hindi ko pinapalagan 'yong mga titig niya kasi nga, di ba ang sabi niya, wag daw makikipag eye contact nang matagal? So ang ginagawa ko na lang ay pasulyap-sulyap.
Kinuha nito ang baba ko at bahagyang itinaas.
Ano na namang bumabagabag sa isip niya?
"This is will be your signature," ani 'ya tapos hinalikan niya ako. Hindi lang iyon simpleng halik lang dahil ibinaon niya nang mariin ang kanyang pangil sa aking labi para umagos ang sariwang dugo. Napapikit ako sa kirot at kiliting nadarama. Dahil doon, hindi ko napansin na nakahawak na pala ako sa kanyang dibdib habang namimilipit.
XYMOND LYH( DEIMOS)
"This is Zchick, your brother," ani mommy. Hindi na ako nagulat noong ipakilala niya sa akin ang isa niya pang anak. "How come he became my brother, mommy? He is not at our house, and besides, hIs father is not my father," pagrereklamo nito. Lumuhod si mommy para ipaliwanag sa kanya na hindi man niya ako kapati nang buo, magkaparehas kami ng nanay.
"You will understand everything when you're big."
"Tsss! No way! I will never accept him! He is not my younger brother!"
"Zchick!"
"Zchick!"
When I was little, laging pinapaalala sa akin ni dad kung bakit nasa puder niya ako at hindi sa tunay kong Ina.
"Do you know how surrogate pregnancy works right? That's what happened back then."
Simula bata, isang trabaho lang ang ginagawa ko, at iyon ay ang mapalapit kay Kuya. He can't accept me for being his half brother kaya naman mas pinili kong maging kaibigan niya na lang.
"Bakit hindi mo tinatawag si Phobos bilang Kuya? Magkapatid kayo, di ba?"
"Hindi kayo magkapareho ng Papa pero magkapatid kayo?"
"Hindi ko siya tunay na kapatid. Wala akong ibang kapatid kundi si Elijah lang."
"Dude? Dude? Oy, Dude!", "Okay ka lang ba? Tulala ka d'yan?" tanong ni Crik. "Yeah," matipid kong tugon. "Ang tagal ni Phobos, ano? Satingin mo, tinuluyan na niya si Amira?" Nagkibit balikat lang ako sa sinabi nito dahil mukhang malabo niya iyong gawin dahil malilintikan siya kay mom.
Lingid sa kaalaman ni Kuya na kinausap din ako ni mommy bago sila umalis ng bansa. Pinapapabantayan niya sa akin si Amira dahil wala siyang tiwala sa sarili niyang anak.
Hindi naman ako pumalag dahil 'yon lang naman ang trabaho ko sa mundong ito, ang maging anino ni Phobos.
"Hanapin na kaya natin? Naiinip na ako 'saka nagugutom. Text ko na lang na pupunta na tayong tambayan para hindi na siya bumalik pa sa dito sa classroom. Tara na boi, kumakalam na ang sikmura ko," maligalig na aya nito. Hindi ako sumagot at nagpatianod na lang sa kanya.
Hindi pa man kami tuluyang nakakalabas, tumambad na sa amin si Phobos n abot langit ang ngiti.
"Woaaah! Dinadaya ba ako ng mga mata ko, Deimos? Nakangiti bang tunay si Phobos? Huh?" Kinurot ko ang pisngi nito para malaman niyang hindi siya nananaginip. Masayang lumapit si Crik kay Kuya para yakapin.
"Anong ginawa mo kay Amir, huh? Bakit napakaganda ng ngiti mo?" tanong nito. "Wala akong ginawa sa kanya.", "Huh?! Imposible! Nasaan na siya ngayon?" hindi paawat na tanong ni Crik. "Nasa com lab, umiiyak," walang pag-aalinlangan na tugon nito bago maunang maglakad sa amin. Nanlaki ang mga mata ni Crik gano'n din ako.
Habang patuloy niyang binabagabag si Kuya, napansin ko ang natuyong dugo sa may leeg nito. Kumunot ang noo ko at nausyoso kaya pasimple akong lumapit.
Natigilan ako sa paglalakad at napansin naman iyon no'ng dalawa. Pinagmasdan nila ako gamit ang mga mata nilang nagtatanong kung ano ang problema.
Nakipagsukatan ako ng titig kay Kuya ngunit hindi ako nagpakawala ng kahit isang salita.
Hindi ako naniniwala na wala siyang ginawa kay Amira dahil may mga bakas ng dugo sa kanyang balat at damit, pero ang malaking tanong na bumabagabag sa akin ngayon ay---
'Bakit hindi ko maamoy ang dugo na nakadikit sa kanya?'