CHAPTER 6.5

1700 Words
AMIRA I was left all alone habang nakatulala at pinapahupa ang kirot na nadarama. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na totoo na may mga bampira dahil nasa taong 2040 na po ang mundo. Ang hirap tanggapin ng reyalidad na bigla na lang bumagsak sa mukha ko. Hindi lang iyon ang nagpagunaw ng aking mundo, dahil ni minsan sa tanang buhay ko, hindi ko inaasahan na magiging alila ako ng kahit na sinuman. Magulang ko nga kinakaya-kaya ko, tapos ngayon? Dito? Magiging alila ako ni ipis?! Nilamukos ko ang aking mukha dahil sa halo-halong emosyon na nadarama. Napagpasyahan kong tumayo na dahil baka hinahanap ako sa classroom. Pinagpagan ko ang aking palda at dahan-dahang naglakad. Itinago ko ang leeg ko gamit ang aking mahabang buhok at inayos ang pustora. Hindi maaaring malaman ng iba na hindi nila ako kauri. Mahirap na, baka abangan nila ako't ubusin ang dugo. Sinipat ko ang labas at noong masiguro kong tahimik naman, eh, dali-dali akong tumakbo pabalik sa room. Pagkarating ko roon wala na ang mga tao pero may isa pa ring natira, at iyon ay 'yong katabi ko kanina na kung hindi ako nagkakamali, Hayashi ang pangalan. "Ahm~~ Binantayan mo ba ang bag ko? Salamat," nahihiya kong panimula. Ngumiti lang ito pero hindi ko siya tinapunan ng tingin kasi nga, di ba, base doon sa ibinigay na babala sa akin ni ipis, bawal akong makipag-eye contact nang matagal. Mas maigi nang sigurado, kahit pa man ginagago niya lang talaga ako. "No worries. Uhm, naalala ko na wala ka pang sinasalihan na club, baka gusto mong sumali sa grupo namin?" pasimple nitong tumango. Mabilis pa sa kidlat akong umiling tapos kinuha na agad ang bag at lumabas na. Aanuhin ko na 'yang club-club na 'yan? Mas lalo lang akong maaalanganin dahil hindi ko alam kung ako lang ba ang normal dito o mayroon pang iba. Pumilantik ang mga mata ko noong tumama sa balat ko ang malamig nitong palad. Hinarap ko siya at tinarayan pero sinigurado ko naman na hindi tatagal 'yong pagtitig ko sa kanya. Mahirap man, pero wala akong magagawa, kailangan kong panatilihin ang aking composure dahil baka isipin niya, isa akong mahinang nilalang. "Hindi ka ba nakakaintindi? Wala akong balak sumali sa mga club kaya tantanan mo ako!" Pagkasabi ko no'n, ipinagpatuloy ko na ang paglalakad, pero shutangina! Hindi pa rin ito tumigil at talagang hinila nito ang aking bag para magppansing muli. "Please? Pumayag ka! Maraming benefits sa club namin na talagang ikakasiya mo. Marami rin kaming events and uhm, kapag may red letter ka, susuportahan ka namin!" desidido niyang ani. Okay, I get it! Seryoso siyang pasalihin ako sa putang*nang samahan niya pero hindi ako madadala sa pagganyan-ganyan niya. "Miss, binabalaan kita. Kung ayaw mong matanggalan ng sungay ngayon, back off. Pag sinabi kong AYAW ko, AYAW ko. No buts, no comma," mariin kong tugon at hindi na nagpapigil sa paandar niya. Ayaw ko nang tumagal ang pakikipag-usap sa kanya dahil naaaagaw namin ang atensyon ng iba. At isa pa, masyado siyang madikit! Paano kapag naamoy niya 'yong dugo ko? Omay fvcking gosh! Ibabaon ko talaga ang ulo ni Phobos kapag napahamak ako dahil sa kapangahasan na ginawa niya sa akin kanina! Alam kong hindi na ako bata para patulan 'yong mga gano'ng nilalang na mukhang walang magawa sa buhay kundi ang mang-inis, pero hindi ko maialis sa sistema ko ang pagiging basagulera. Kahit pa siguro maging pulubi ako, aba! Makikipagsuntukan pa rin ako kapag kinakailangan. Habang binabagtas ko ang mahabang pasilyo patungo sa dormitoryo, hindi nakaligtas sa akin ang ilang mag-aaral na nakikipaglaro ng apoy. They're almost making out in FREAKING PUBLIC!! Wala na bang natirang katinuan sa katawan nila't pati 'yong mga ginagawa sa pribadong espasyo, eh, nilalantad nila?! Saglit akong tumigil dahil bigla silang dinampot no'ng mga nakaputing mag-aaral. I bet they are the SC, na ipinagmamayabang no'ng Teacher namin kanina. In fairness, mukhang mabilis rumespunde ang mga ito, at hindi lang iyon, mukhang maaasahan talaga sila. Hindi katulad no'ng sa amin sa dati kong school na kung hindi pa sitahin ng Teacher, hindi kikilos. I wonder kung may tao rin silang myembro at hindi puro bampira lang. Hmmm, speaking of bampira, takot din kaya sila sa bawang? At saka, bampira rin kaya sina Tita Keisha? Pfft, posible nga dahil napakaganda pa rin nito at mukhang dalaga pa rin kahit na may isa siyang anak na demonyo. Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad at hinayaan na 'yong mga eskandalosang bampira na kinakaladkad no'ng SC. Pagkarating ko sa tapat ng tarangkahan ng dormitoryo, huminto ako't gumilid dahil may grupo ng mga kababaihang palabas. Mukha atang napansin nila ang ginawa ko kaya binigyan nila ako ng masamang titig habang naglalakad. "I'm so excited like hell! Si Crik Thompson lang naman ang makakalaro ko mamayang gabi, hindi ba't ang swerte ko naman?" rinig kong pagmamayabang no'ng isang babae na kumikinang ang balat. Pinigilan ko ang aking sarili na mangiwi dahil, swear ang weird niya. Sinong bobo ang magpapahid ng kung ano mang bagay ang inilagay niya sa balat niya para kuminang siya, eh, tirik na tirik ang araw, aber?! Noong makalagpas na sila sa akin, 'saka lang ako nag-make face dahil nakakairita sila. Feeling makapangyarihan, psh! Pasalamat lang kayo't mahal ko pa ang buhay ko't di pwedeng basta-basta gumawa ng eksena. Pero naintriga ako't napaisip. Nabanggit niya kasi 'yong pangalan ni kanal. Naalala ko rin 'yong sinabi no'ng Teacher namin kanina, regarding sa seremonya 'kuno'. I wonder kung anong klase 'yon? Sayang kasi, ngayon lang sumagi sa akin, edi sana natanong ko kanina si ipis nang may naiambag man lang siya kapalit no'ng dugong ninakaw niya sa akin. Matiwasay akong nakarating sa aking kwarto at talagang ibinalibag ko ang aking bag at humilata agad sa kama. Time check: 11:00 am Hindi naman ako nagugutom kaya matutulog muna ako. Kung may ipapagawa man ang bwesit na ipis na iyon, since I'm his fvcking slave nga raw, puntahan niya na lang ako, bahala siya d'yan. Iyon ay kung alam niya kung ano ang room number ko, fufufufufufu. ZCHICK APOLLO(PHOBOS) Walong oras na ang nakakalipas pagkatapos no'ng pag-uusap namin ni Amira. Hindi ko alam kung seseryosohin niya man lang 'yong binigay kong mga banta sa kanya pero nasa sa kanya na iyon. Nagampanan ko na 'yong pinapagawa ni mom, kaya hindi na ako makokonsensya pa. At saka, hindi naman siguro mkakarating sa kanya na hindi talaga ako ang nagbayad ng matrikula niya kundi ang mga magulang ko. Isa pa, tama rin naman ang sinabi niya, dapat lang na pagbayaran niya iyon dahil ang kapal naman ng mukha niya kung hindi. Though aaminin ko, nawala talaga sa isipan ko 'yong about sa matrikula niya, buti na lang at ipinaalala niya ngayon. "Dude, jackpot ako mamaya! Pumayag si Patricia na maging laruan ko mamayang gabi. Paniguradong masarap ang gising ko nito kinabukasan, hahahahaha!" maligalig na bulalas ni Crik habang binibilang ang supot ng rubber na binili niya. "Tsss. Ilang rounds ba ang balak mo at kanina ka pa d'yan?" usyosong tanong ni Deimos. Ngumisi si Crik na animo'y kanina pa naghihintay na itanong namin iyon sa kanya. "Well, sinabi ko sa kanya na ihanda niya ang katawan niya para sa limang rounds, pero siya na mismo ang humirit at ang gusto niya, eh, walong rounds daw. Ang matindi pa, hinamon niya pa ako kung kakayanin daw ng alaga kong umabot sa gano'ng punto, hahahaha! Hindi niya siguro kilala kung sino ang hinahamon niya. Takte! Kaya kong patirikin ang mga mata niya magdamag!" mayabang nitong tugon. Natawa kami dahil sa kanyang sinabi. Paniguradong hindi siya pinayagan nina Tita Venus at Tito Finn na lumabas noong bakasyon kaya labis na lang ang pagkasabik niya para sa seremonyang magaganap mamaya. Kung sabagay, hindi ko siya masisisi dahil isang beses sa isang buwan lang kung ganapin iyon. Depende kung may kasintahan ka, pwede niyong gawin iyon kahit kailan niyo gusto. Sa ganitong pagkakataon, lalo na't bilog ang buwan mamaya, talagang uhaw ang mga lalamunan naming makatikim ng dugo, at hindi lang iyon, malaking bonus na rin kung magkakaroon ng laro ng laman habang ginagawa ang seremonya. Ang maganda pa, hindi mabubuntis ang ka-partner mo kapag ginawa niyo iyon habang bilog ang buwan, isa iyon sa depekto na meron kami, bilang mga nilalang na may malubhang karamdaman. "Eh, kayo? Sino ang kalaro niyo mamaya?" nakangiting tanong nito. Tiningnan ko si Deimos at hinihintay ang sasabihin nito. Ni minsan hindi niya binahagi sa amin kung may nabingwit na ba siya o wala pa. "I'm planning of inviting Amira tonight. Mukhang masarap siyang kalaro," tugon nito na mukhang seryoso dahil nakangiti ang kanyang mga labi. Tumikhim ako dahil biglang pumait ang aking dila. Naagaw ko ang kanilang atensyon kaya mabilis akong nagpaliwanag kahit na hindi naman kailangan. "Ikaw, Phobos? Papalayain mo na ba ang sarili mong kasakiman? C'mon, dude! Hindi ka ba napapagod na lagi mo na lang ikinukulong ang sarili mo tuwing sasapit ang ganitong okasyon? Magsaya ka naman!" bulalas ni Crik. "Psh. Hindi ko kailangan ang dugo ng iba para mabuhay. Maghanda na kayo, isang oras na lang at magsisimula na ang paglitaw ng buwan," ani ko tapos tumayo na. Hindi na lang sila kumibo at nagsimula na ring maglakad. "Uhm, mauna kayo sa akin, tatawagan ko lang si Amira," paalam ni Deimos. "Nice!!! Ikwento mo sa akin bukas kung gaano kasarap si Amira, ah? Para naman sa susunod na buwan, kung papalarin, ako naman ang makikipaglaro sa kanya," panggagatong ni Crik. Natigilan sila sa pagtatawanan dahil sa malamig na titig na ibinibigay ko sa kanila. "May problema ba, Phobos? Don't tell me gusto mo rin si Amira? Pwede naman kayong magsabay ni Deimos. Threesome is awesome, tandaan mo 'yan! Tutal magkapat---" Hindi na natapos pa ni Crik ang kanyang sasabihin dahil mabilis na pumulupot sa kanyang leeg ang kamay ko. "Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko kanina?" mariin kong tanong. "Na-naiintindihan k--ko." Bago ko bitawan ang kanyang leeg, isang matalim na titig ang ipinabaon ko sa kanya pati na rin kay Deimos. Nawa'y nakuha nila kung ano ang gusto kong mangyari ngayon. 'Amira is not available for anyone except for me, I hope you get that, my dear brother', bulong ko sa hangin bago sila tuluyang iwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD