Katulad ng paglagas ng dahon sa puno, gano'n kabilis ang paglipas ng araw. Ito na ang huling sandali na makakapagtago ang anim na binata't dalaga. Pagkatapos ng gabi, kailangan na nilang bumalik sa reyalidad at ipagpatuloy ang naudlot na pakikipagbaka. Sobrang ganda ng kanilang naging karanasan sa malayong kabihasnan. Napuno ng kasiyahan ang kanilang mga puso at natakpan ang mga agam-agam. Maikli man ang naging panahon para sa kanila, lahat ng nangyari ay mananatiling nakatatak sa kanilang dibdib, isang magandang sumpa na kailanman ay hindi mawawaglit. HAYASHI "Ano na kayang mangyayari sa atin pagbalik natin sa school? Wala naman siguro nang magiging problema ano? Mae-enjoy na natin ang pagiging estudyante natin," wika ko. "'Yan ang sisiguraduhin ko, honeybunch," ani Crik. Inilingkis k

