AMIRA Nasa school na ako. Wala pa si Rose, mukhang inabot ng puyat at hindi ata papasok. Si Deimos naman nagka-lagnat, si Crik at Hayashi nasa kani-kanilang family business, mukhang a-absent din sila ngayong araw. Ewan ko si Phobos kung pumasok siya ngayon dahil hindi na ako nakadaan sa club room dahil male-late na rin ako. Di ko na siya natawagan o na-text man lang dahil nasa room na rin 'yong teacher namin. "First of all, class, gusto ko kayong i-congratulate dahil so far, walang bumagsak sa exam! Natutuwa ako dahil ang dami kong naririnig na reklamo na kesho ang hirap daw ng test ko, well in fact nasa ibinigay kong coverage naman 'yong mga items, right? Pero, ayon, imbes na sermunan ko kayo ngayong araw, mabuti naman at hindi, dahil hindi na kailangan. So, ayon, may ibinabang memo si

