AMIRA
Halos lumuwa ang mga mata ko noong tumambad sa akin ang nagkalat na basyo ng alak pagkapasok ko pa lang sa aking kwarto. Like what?! Kailan pa ako uminom ng ganito?
Alfonso?
Pucha naman!
Napasapo ako sa aking bibig habang kagat-kagat ang pang-iiba kong labi. "Just no way! No way! No way! Kung iinom man ako ng alak, hindi alfonso! Dapak! Pero bakit nandirito ito? Ughh!!! Wala akong maalala!" bulalas ko, namomroblema habang nakasalampak sa sahig.
Ilang minuto ko munang pinagmasdan ang mga basyo bago magpasya na kumilos na dahil walang mangyayari sa akin kung patuloy kong iisipin kung paano ako napunta sa kwarto ni Phobos, nakipaglaro ng laman, at paano napunta ang mga pesteng bote ng mga alak dito.
Habang isa-isang pinupulot ang mga kalat, iniinda ko ang aking balakang. Hindi ko alam kung hanggang saan ang nilabag ni Phobos dahil labis na kumikirot ang bahagi sa gitna ng aking hita.
Did we do it?!!
"Ako nga dapat ang magalit ngayon dahil ikaw itong nag-tresspassing. Ikaw rin ang nagmakaawa sa akin na patulan ka habang lunod na lunod ka sa alak." naalala kong sinabi ni Phobos.
NAPAKAYABANG!!!
Sa sinabi niya parang ako 'yong nag-initiate kagabi?! So wala akong habol gano'n? Kung masakit man ang katawan ko? Hayyyy!
Bwesit talagang ipis na 'yon! Makaligo na nga at nagtatayuan ang balahibo ko sa katawan kapag iniisip ko kung ano ang maaaring ginawa namin ng buang na 'yon.
Iginilid ko muna 'yong limang bote ng alfonso tapos naghubad na ng damit bago pumasok sa banyo. Magkahalong inis at gulat ang naramdaman ko noong makita ko ang sarili ko sa salamin na punong-puno ng love marks. Mainly sa dibdib, leeg, sa tyan at pati na rin sa hita!!! Paano ako papasok nito, ah? Anong susuotin ko? Ang lala ng mga marka, shutek! May sugat din ako sa aking wrist, mukhang tinali niya pa ang mga kamay ko, tapos ipapamukha niya sa akin na parang ako lang ang gumalaw sa amin kagabi? Ulol ba siya?
Ikinuyom ko ang aking kamao, pinipigilan na hindi masuntok ang pesteng salamin.
"PHOBOS! PHOBOS! PHOBOS!!! You fvcking pervert! I'm going to kill you!!!"
Kaagad kong binuksan ang shower at pinaagos ang malamig na tubig sa buo kong katawan. Kinuskos ko talagang mabuti ang bawat sulok kahit na para akong may bali na ewan. Napakasakit ng balakang at likod ko, pakiramdam ko dinaganan ako ng dambuhalang demonyo.
RING~~RING~~
Itinigil ko muna ang ginagawa ko noong magwala ang cellphone ko sa gilid. Kinuha ko iyon at agad na sinagot kahit na hindi ko alam kung sino ang nasa phone screen.
"Where are you? Pumunta ka na rito sa club room, ngayon na!" utos ni ipis sa kabilang linya. Umawang ang bibig ko at nagsimulang ratratin ang kumag. "Maghintay ka pwede? Kinukuskos ko pa ang katawan ko dahil sa kababuyang ginawa mo! Napaka!!" gigil kong bulyaw. Tumawa ito nang malakas na lalong nagpalagablab ng galit sa aking katawan.
"So nakita mo na pala ang aking masterpiece. How's it? Did you like it? I bet your heart is racing right now. Don't worry, to be fair, ipapakita ko rin sa iyo ang ginawa mo sa akin," ani 'ya. Kaagad kong ibinaba ang tawag dahil hindi ko kinakaya ang kayabangan ng kanyang bayag.
"Masterpiece amputek? Ito? Masterpiece!!?" bulyaw ko habang dinuduro ang mga hickey.
Pagkalapag ko ng cellphone, niyakap ko ang aking katawan na umaapoy na naman dahil lang sa sinabi ni Phobos.
I fvcking hate his guts! He dares to lay hands on me tapos ididiin pa sa akin na siya lang ang biktima rito.
Magpakasaya ka ngayon, pesteng ipis. Darating din ang araw na ikaw naman ang maglalaro sa palad ko.
At sinisiguro kong kapag dumating ang oras na iyon, luluhod ka sa akin at magmamakaawa!!!
PHOBOS
"Ahh! Hahh! Hah!Uhmmm~~ faster, Crik! She was like that magdamag. Alam niyo 'yon? Sa sobrang ingay niya hindi na ako nakatiis na tapalan ng tissue 'yong kanyang bibig," kwento ni Crik na halatang proud na proud sa kanyang ginawa. "Simula pagkapasok mo rito 'yan na ang laman ng bibig mo, wala ka na bang ibang masabi?" tanong ni Deimos na mukhang nairita na dahil wala itong maipagmamayabang ngayon.
Gustuhin ko mang i-kwento sa kanila kung gaano naging kasaya ang karanasan ko kagabi, hindi pwede.
"Paniguradong hindi masarap 'yong dugo no'n kaya puro ungol niya lang ang naipagmamayabang mo ngayon sa amin," pamamrangka ko. Ngumiti nang pilit si Crik dahil mukhang nasapol ko ang ego niya.
"Hayy, dude! Nabuking mo na naman ako! Iba ka talaga, Phobos! Speaking of dugo, okay naman, kaya namang lagukin 'yong sa kanya. By the way, eto oh, may ekstra akong dala, baka gusto niyo ring tikman," alok nito sa amin habang ibinabalandra sa amin ang dalawang bag ng dugo ni Patricia.
Pagkalabas pa lang ni Crik no'ng maruming bagay, hindi na napigilan ni Deimos ang kumaripas papuntang banyo para sumuka. Masyadong sensitive ang kanyang ilong. Alam niya kung masarap o hindi ang mga iyon kaya kung gano'n ang naging reaksyon niya paniguradong nakakadiri ang dugo ni Patricia. Bilib ako sa kasakiman ni Crik, natiis niyang tikman iyon? Pffft.
"Ilagay mo na lang 'yan sa ref baka masira na. Ikaw lang ang iinom niyan," ani ko. Labag man sa loob, sinunod niya ang utos ko.
Mas lalo tuloy lumaki ang pagnanasa ko na solohin lang ang dugo ni Amira. Dahil isa siyang purong normal, kakaiba ang naihahatid na halimuyak at tamis ng dugo nito. Kailangan ko lang mag-ingat na hindi siya masugatan dahil kapag kumalat sa hangin ang halimuyak ng kanyang dugo, it's dead end for her. Paniguradong pag-uunahan siyang lantakan ng mga mag-aaral at lulubayan na wala ng dugo sa katawan.
Wala akong magagawa para iligtas siya dahil sino siya para iligtas?
"Woah!! Bakit ka naririto, Amira? Bawal ka rito dahil wala ka namang ticket para makapasok ," ani Crik na akmang papaalisin ang alalay ko. "Stop, Crik. Hayaan mo siya," mabilis kong utos.
Humarap sa akin si Crik na hindi makapaniwala sa aking sinabi. "WHat's happening? Amira?" bulalas ni Deimos na kakalabas lang mula sa banyo.
"I like your outfit," puna ko. Nakasuot ito ng puting turtleneck at baggy pants habang nanlilisik ang mga matang nakatitig sa aking direksyon. She hid my marks really well. I must praise her more later. "Maraming salamat. So, ano na? Tutunganga na lang ba tayong lahat dito?" sarkastiko nitong tanong.
Nasa akin lahat ang kanilang atensyon, ang naguguluhang mga mata ni Deimos, ang hindi makapaniwalang ekspresyon ni Crik, at ang nagbabagang titig ni Amira.
Tumayo ako at tinungo ang direkyon ni Amira. Hindi nakaligtas sa akin ang paglagok nito ng laway. I bet her body started burning just like what I am feeling right now.
Ikinuyom ko ang aking mga kamao dahil malapit ko nang haplusin ang mukha nito. May apat na mga mata ang nakatitig sa amin ngayon kaya hindi ako pwedeng magpahalata na nababaliw ako ngayon. Habang nakikipagsukatan ako ng titig sa kanya, pinagpapantasyahan ko ang nangyari sa amin kagabi. Her moans, paulit-ulit kong nilalaro sa aking isipan.
"Starting from now, this girl in front of you is my SLAVE. Lahat ng nakikita niyo sa kanya ay sa akin lang, pati na ang buhay niya," mariin kong ani habang nakatingin pa rin sa mga mata nito.
"HUH?!!! Are you gone mad, Phobos?!" bulalas ni Crik. Humarap ako sakanila na seryoso ang mukha. Sana naman maintindihan nila na hindi ako nagbibiro sa sinabi ko.
"May tututol ba sa desisyon KO?" tanong ko sa kanila na binigyang diin ang salitang 'ko'.
Nanatiling tikom ang mga bibig nina Deimos na ikinagalak ko. Wala ni sino man ang tututol sa aking sasabihin, hindi siya, hindi si Crik at mas lalong hindi si Amira.