CRIK
Sa wakas naman at natapos na ang mahigit apat na oras na pagngawa ng Teacher namin. Simula pumasok hanggang ngayong nagsisilabasan na ang mga kaklase namin, nakatuon lang ang mga mata ko kay Phobos. Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot dahil kanina pa nito pinapatay sa titig si Amira. Sana talaga hindi bumigat ang likod no'n dahil napakatalim talaga ng mga mata niya tapos straight four hours niya pa iyong ginawa, grabe!
"Crik, nadala mo na ba 'yong certificate?" biglang tanong ni Phobos na ikinataranta ko. Kaagad akong tumango kahit di pa fully naa-absorb ng utak ko 'yong sinabi niya.
Tiningnan ako nito na animo'y hinihintay na may iabot ako sa kanya.
"Ano na? Nasaan na 'yong certificate?" pag-uulit nito. "Ahh! Oo, sandali," taranta kong tugon. Kinuha ko 'yong bag ko sa likod tapos binuksan iyon.
"Ohh, gagawin mo na ba ngayon?" tanong ko kay Phobos. "Yeah, hindi na pwedeng patagalin pa," nakangiting sagot nito. Hindi maganda ang kutob ko sa ngisi ni Phobos, paniguradong may maitim na balak na naglalaro sa kanyang utak ngayon.
Pagkaabot ko no'ng papel sa kanya, dahan-dahan siyang lumapit sa pwesto ni Amira. "Dude, naiisip mo ba ang naiisip ko? Ayaw mo bang awatin ang kapatid mo?" tanong ko kay Deimos na nakamasid lang kay Phobos. Nagkibit balikat muna ito bago sumagot. "You know he won't listen to me," mabilis nitong tugon. Natameme ako dahil bakas ang lungkot sa mukha nito. Syempre, kahit maligalig ang dila ko, marunong naman akong ilugar ang kadaldalan ko.
Sa ngayon, pinagmamasdan namin kung ano ang mangyayari sa hapong ito. Tuluyan bang papayag si Amira na maging opisyal na mag-aaral ng Saint Augustus? Psh, alam ko namang hindi na siya makakapalag dahil inunahan na siya ni Phobos. Ginawa na siyang alipin nito kaya sa ayaw niya man o sa gusto, dead end na.
She can not run or hide. Once her blood drops on the paper, panghabang buhay na siyang makukulong sa malawak na kulungan.
ZCHICK APOLLO (PHOBOS)
Pagkatapos ng mapusok na gabi ng seremonya, pinaghandaan ko ang pagiging opisyal na myembro ni Amira sa Saint Augustus. Hindi ko siya hahayaang makasigaw, makawala sa hawlang ito kahit na noong una ay labag sa aking kalooban ang kanyang pagpasok. Iisipin ko na lang na isa itong malaking regalo sa akin ni mommy, kaya niya pinayagang pumasok si Amira sa Sain Augustus kahit na isa siyang normal.
Kinalkula ko na ang lahat bago pa man sumapit ang umaga.
"Where do you think you're going?" tanong ko habang marahang hinablot ang kamay ni Amirang nagbabalak pa atang tumakas. Sinamaan niya ako ng tingin ngunit kaagad niyang iniwas ang kanyang mga mata. I can see her face started to get red dahil sa paglapat ng balat ko sa kanya.
"What do you want? May ipag-uutos ka ba? Ano? Sabihin mo na kaagad dahil pagod ako, salamat sa kademonyohan mong kupal ka," mariin nitong ani,still malayo pa rin ang tingin. Hindi ko kaagad siya sinagot, bagkus tinapunan ko ng tingin sina Deimos at Crik na nasa dulo.
"Kayong dalawa, labas.", "HUH? Bakit? Sino na ang magiging witness kung lalabas kami?" gulat na tanong ni Crik na napatayo pa sa kanyang inuupuan. "Why? Hindi na kailangan pa ng presensya niyo para sa simpleng seremonyang ito. Kinukwestyon mo na ba ngayon ang desisyon ko, huh? Crik?" malamig kong tugon.
"H-Hindi. Sabi ko nga aalis na kami ni Deimos," takot na ani 'to. "Close all the window pati na rin ang pinto bago kayo umalis, ngayon na," pahabol ko. Halos si Crik lang ang gumagawa ng lahat. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Deimos at kanina niya pa tinitingnan si Amira.
May sugat kaya akong naiwan?
Naahh, imposible iyon. Pagkatapos ng mahabang pagpupulot gata, sinipat ko ang bawat bahagi ng katawan nito para i-check kung nasugatan ko ba siya.
"Amira, bakit hindi ka pumunta kagabi?" wala sa hulog na tanong nito. Natigilan kaming lahat dahil sa hindi inaasahang bombang ibababa ni Deimos.
Is he out of his mind?!
"Huh? Kagabi? May kai---", "Can you shut up?" pamumutol ko. Pinandilatan ko si Deimos para balaan na wag nang magsasalita pa. Nakipagsukatan lang ito ng titig sa akin ngunit sinunod naman niya ang nais ko.
"Dude, tara na," aya ni Crik. Nagpatianod si Deimos sa kanya pero nananatiling nakatingin ito sa direksyon ni Amira.
Mamaya ka sa akin, pangahas.
Mamaya ka sa akin.
Pagkalabas no'ng dalawa, binitiwan ko na ang kamay ni Amira. "Ano bang nangyayari, ah? Anong kagaguhan na naman ito, ipis?!" iritable nitong tanong. Kinapa ko ang mukha nito't hinaplos ang kanyang pisngi pababa sa kanyang labi. "Starting on this day, you will become an official student of Saint Augustus. Once this paper is signed, you can not escape anymore."
"What do you mean? So ibig sabihin may oras pa para makalabas ako rito? Since hindi ko pa naman napipirmahan di ba? Ehhh kung gano'n naman pala, edi aalis na lang ako kesa naman maging alipin ng isang manyak na katulad mo!" Nagpakawala ako ng ngisi dahil sa kanyang sinabi.
Sorry, dahil huli na para sa kanya. Kung noon pa niya naisipan iyan, edi sana hindi nagkanda-letse-letse ang lahat. Hindi ko na makontrol ang pagnanasa kong maangkin ang lahat niyang dugo.
Kung ayaw niya sa ganitong sitwasyon, mas lalong ako.
Ayaw kong umaaktong mababa sa isang katulad niya, pero putang*na, kapag dumadampi ang balat ko sa kanya, nag-iinit ako. Gusto kong sipsipin ang lahat sa kanya, gusto ko siyang tikman, gusto ko siyang saktan, gusto ko siyang patayin.
"I'm afraid you have no choice right now, Amira. Hindi pa rin ba pumapasok sa kokote mo na alipin na kita? At kung lalabas ka ngayon, sa tingin mo mamumuhay ka nang payapa? Don't forget, pinagsamantalahan mo ako kagabi. I have proofs na pwedeng idiin sa iyo," pananakot ko.
"Ang kapal talaga ng mukha mong ipamukha sa akin 'yan!!" bulyas niya. Inilapit ko ang aking mukha at binigyan siya ng mahinahong halik. Hindi siya pumalag dahil alam kong hindi na rin siya makapaghintay. Matapang man ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig, hindi makapagsisinungaling ang katawan niya.
Naglaro ang mga dila namin habang sumasayaw sa indak ang aming mga labi. Kinarga ko siya para iupo tapos idiniin ang aking katawan sa gitna ng kanyang mga hita.
Our feelings are getting hotter and hotter. Noong maramdaman kong umuusbong na ang aking mga pangil, mabilis kong inilayo ang aking mukha kay Amira.
Mahirap na, ayaw kong masugatan siya ngayon. I need to restrain my fvcking desire until we're done with this.
"Bwesit ka, Phobos. Isinusumpa kita!" gigil nitong bulong.
How cute.
"Alam kong hindi ka na rin makapagpigil, kaya tatapusin ko na ito.," ani ko. Kinuha ko ang kanyang kamay at itinayo ito. Gamit ang kanang kamao, binigyan ko siya ng isang suntok sa sikmura dahilan para mawalan ito ng malay panandalian. Maingat kong idinantay ang katawan ni Amira sa pader tapos hinahanap ang switch.
Pagkabukas ng ilaw, dali-dali akong nagtungo sa aking bag para kunin ang maliit na bote na naglalaman ng dugo ng ibon. Buti na lang at nakakita ako sa daan, naghihingalo na ito kaya tinuluyan ko na.
Pgakapatak ko no'n sa papel, pinahiran ko ang daliri ni Amira para kung sakaling tumambad si Deimos sa amin mamaya, hindi siya magdududa. Itinago ko na ang bote sa aking bulsa 'saka kinarga ang natutulog na katawan ni Amira. Pagkalabas namin sa pinto, hindi nga ako nagkamali dahil nakatayo sila sa bukana ng pinto. Nanlaki ang mga mata nila noong makita nila si Amira na walang malay na nakasabit sa aking balikat.
"Anong ginawa mo dude?" alalang tanong ni Crik.
"Do I need to answer your question? Go get this paper," malamig na tugon ko saka iniabot sa kanila ang papel. Pinagmasdan iyon ni Deimos at marahil ay sinisiyasat na nito ang amoy ng dugo na nakaselyo sa papel.
Psh, go run your nose wild, Deimos.
Hindi ko hahayaang madiskubre mo ang yaman na natuklasan ko.