Point of view - Joseph Lee – Hindi ko akalain na makakatulog ako sa silid ng babaeng iyon kagabi. Mabuti na lang at tulog pa rin siya nang ako ay umalis kaninang umaga. Inikot ko ang kinauupuan kong swivel chair at iniharap ang aking sarili sa malaking bintana sa aking likuran. Narito ako ngayon sa aking opisina at isang bagay ang bumabagabag sa aking isip. Bakit hindi kilala ni Emma ang matabang lalaki na naroon sa litrato? At bakit pati ang kanyang mukha ay tila nagduda pa siya? Ano ba ang nangyari siyam na taon nang nakalilipas?. Kinuha ko ang aking cell phone sa aking bulsa, saka nag-dial ng numero ng aking private imbestigator. “Hello, may gusto akong ipa-imbestiga sa inyo.” Matapos ang mahabang pag-uusap at pagbibigay ng impormasyon sa pinagkakatiwalaan kong tao, ibin