Point of view - Emma Blair - "What are you doing here?" malakas niyang sigaw at saka tumakbo pabalik sa loob ng shower room. Hindi ko alam kung bakit pati ako ay napatalikod dahil sa kaniyang ginawa, ramdam ko ang pamumula ng aking mukha at ang mabilis na t***k ng aking puso. "W-Wala akong nakita, promise. Aalis na ako," saad ko, at nang akmang tatakbo na ako palayo, narinig ko ang muling pagbukas ng pintuan sa shower room. Napalingon akong muli sa kaniya at nakita ko ang nakabihis niyang katawan, tila nagmadali itong nagdamit sahil sa buhok niyang basa at tumutulo pa. "Nakita mo ba?" saad niya sa akin na tila nais akong tumugon agad. "Wala talaga akong nakita, promise. B-Bakat lang nang kaunti." Iniwas ko ang aking tingin dahil sa aking nasabi, ramdam ko ang pula