Point of view - Emma Blair - Isang kakaibang amoy ang humahalimuyak, tila amoy gamot o amoy ospital ang kapaligiran. Sinubukan kong igalaw ang aking kamay ngunit nakaramdam ako ng isang bagay na nakatusok dito. Kahit mahirap, dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, may kalabuan pa ang aking nakikita at unti-unti itong lumilinaw. Nakita ko ang isang puting kisame at ang ilaw sa itaas nito. Sinubukan kong igalaw ang aking ulo at nakaramdam ako ng isang bagay na nakadagan sa aking kamay. Pagtingin ko sa direksyon ng kinapapatungan nito, nakita ko si Joseph, natutulog sa galid ng aking higaan at nakahawak sa aking kamay. Hindi ko alam kung bakit, ngunit ang palad niya ay nagbibigay ng init sa aking dibdib. Naramdaman ko ang kaniyang maliit na paggalaw, saka niy