Point of view
- Emma Blair -
Naramdaman ko ang paghinto ng kotse sa lugar na ngayon ko lamang nakita, isang lugar na napapaligiran ng mga puno at tila nasa gitna ng kagubatan. Inilibot ko ang aking paningin habang ako ay nakaupo pa sa loob ng kotse.
Anong lugar ito? pagtatanong ko sa aking sarili.
Nagsimulang tumayo ang driver mula sa driver seat at pinagbuksan niya ako ng pinto, gayon din ang ginawa niya sa kabilang pintuan kung saan nakaupo ang lalaking si Joseph Lee.
Pareho kaming lumabas mula sa kotse at sa aking paglingon. Isang malakas na ilaw ang bumungad sa aking mukha, isang napaka laking mansion ang tumambad sa aking mata.
Tila isang palasyo mula sa fairy tale ang aking nakikita. Mayroon itong malaking fountain sa gitna dahilan upang magmukhang hardin ang paligid. Ang mga puno ay nakahilera sa gilid na parang sinadyang itanim.
Napakaganda ng lugar na ito.
"Good evening, Mrs. Blair. Welcome to Lee's Family Villa," saad ng isang babae sa aking harapan habang siya ay nakayuko.
"Itikom mo ang iyong bibig, dahil baka pasukan iyan ng langaw," narinig kong wika ng isang lalaki sa aking likuran, sa paglingon ng aking ulo, ang tinig pala na iyon ay galing sa lalaking si Joseph.
"Ito ang isa sa aking mga Villa at mula ngayon, dito ka na maninirahan."
"D-Dito? pero bakit parang, walang ibang bahay sa paligid?" saad ko.
"Tulad ng sinabi ko, isa itong Private Villa at dito ka titira sa loob ng siyam na buwan."
"Siyam na buwan?"
"Oo, sapat lang ang buwan na iyon sa iyong panganganak."
Nanlaki ang aking mata nang maramdaman ang kaniyang kamay na ihinawak niya sa aking kamay, saka niya ako marahas na hinila palakad, papasok sa malaking bahay.
Nakita ko ang mga kasambahay na nakahilera at nakayuko sa aming dinadaanan, tila nagbibigay pugay sa isang prinsipe.
Nang kami ay makapasok sa loob, hindi ko mapigilan ang pagbukas ng aking bibig. Itiningala ko ang aking ulo at kitang-kita ng aking mga mata ang sobrang taas na kisame at ang nakasabit na napakalaking Crystal chandelier.
Hindi rin mawala sa aking paningin ang dalawang paikot na hagdanan patungo sa isang pulang carpet. Parang isang palasyo kung saan may isang napakalaking dance floor.
Naramdaman ko na lamang ang pagbitiw niya sa aking kamay at bahagyang tumingin sa akin.
"Huwag mong babalaking tumakas sa aking poder, dahil hindi mo gugustuhin na ako ay magalit."
Iyon lang ang kaniyang sinabi habang nakatingin ang matatalas niyang mata sa akin, saka siya mabilis na lumabas sa malaking mansion.
Pakiramdam ko, isa akong ibon na kinulong sa malaking hawla.
"Excuse me, Lady Blair. This way to your room po," saad ng isang kasambahay sa aking harapan, mukha pa siyang bata at mukha siyang nasa teen age pa. "Ako po ang inyong magiging personal maid, pwede nyo pong sabihin sa akin lahat ng inyong nais," dugtong niya.
Ngumiti ako saka ko hinawakan ang kaniyang balikat.
"Hindi mo naman kailangan maging pormal," saad ko.
"S-Sorry po, Ma'am. Bilin po kasi ni Sir Joseph, tratuhin ka bilang isa sa mga Lee."
"Okay lang, wala naman siya dito."
At saka ako ngumiting muli. Nagsimula kaming lumakad patungo sa aking silid. Hindi ko alam kung gaano kami katagal naglakad ngunit tila isang barangay ang aking nilakad sa layo nito.
"Nandito na po tayo, My Lady."
Tumambad sa akin ang dalawang malaking pinto na may dalawang doorknob, binuksan niya ang kabilang gilid ng pinto at bumungad sa akin ang liwanag sa loob ng silid.
Dahan-dahan akong pumasok at hindi ko na naman mapigilang mamangha sa hitsura ng loob nito.
Nakita ko ang isang pulang carpet na pinapatungan ng malaking kama. At ang pink na kobre kama nito ay napakaganda, dinagdagan pa ng canopy na nakatabing sa buong higaan na tila isang kama ng prinsesa.
Mayroon ding malaking bilog na salamin na nakadikit sa make-up table sa kaliwa. At isang pinto papunta sa walkin-closet ng silid at ang isang pintuan naman ay papunta sa shower-room.
Masasabi kong ang silid na ito ay mas malaki pa sa aming bahay, napaka ganda nito.
"My Lady, baka po gusto nilang magpalit ng damit, marami pong damit sa kabinet na sukat sa inyo."
"Mamaya na lang, saka tawagin mo nalang akong Emma. Ano nga pa lang pangalan mo?" saad ko sa kaniya.
"Ako po si Denise, Ma'am Emma."
"Huwag mo na akong tawaging ma'am, Emma na lang," mahinang tawa ko.
"Opo, E-Emma."
"Ayan, ituring mo ako bilang kaibigan."
"Opo," saad niya.
***
Kinabukasan, maaga akong nagising at nag-ayos ng aking higaan, ngunit hahawakan ko pa lamang ang aking kobre kama.
"Mis Emma, ako na po diyan," saad ni Denise.
"Naku! kaya ko naman ito, Denise."
"Hindi po pwede, Ma'am. Bilin sa amin ni Sir Joseph, huwag kang pagagalawin. Makasasama raw po sa bata." Kumunot ang aking noo sa aking narinig
"Huh? saang kalokohan naman niya narinig ang bagay na iyon?"
"Please, Ma'am. Sumunod na lang po kayo." At dahil sa wala akong magawa, sumunod na lamang ako sa kaniyang nais, matapos iyon sinamahan niya ako sa hapag-kainan.
Natanaw ng aking mata ang lalaking si Joseph na nakaupo sa dulo ng lamesa, saka ko nakita ang paglingon niya sa aking kinaroroonan.
"Sit down and eat," saad niya. Hinila ng isang kasambahay ang isang upuan bago ako umupo. At habang kami ay kumakain, masasabi kong ito na ang pinakatahimik na umagahan na nangyari sa aking buhay. Napakatahimik ng paligid, kahit kubyertos ay tila walang tunog.
"How are you?"
Napalundag ang aking balikat nang basagin niya ang katahimikan.
"A-Ayos lang," tugon ko.
"Good, kailangan mong alagaan ang aking tagapagmana."
Tagapagmana, Ang batang ito?
"P’wede ba akong magtanong?" saad ko na may halong pag-aalinlangan.
"Go on."
"Nagkita na ba tayo noon? I mean, bukod doon sa club," saad ko. “Parang pamilyar kasi ang iyong hitsura,” dugtong ko sa aking sinasabi.
Napansin ng aking mata ang pagpiga niya sa kubyertos na kaniyang hawak kaya agad akong nagsalita.
"S-Sorry, kahit huwag mo nang sagutin."
Marahan siyang tumayo at umalis sa harapan ng hapag-kainan.
“May nasabi ba ako upang ikagalit niya?” Umiling na lang ako at binalewala ang bagay na iyon, saka ako bumalik sa aking pagkain.
***
Change point of view
- Joseph Lee -
Nagtungo ako sa aking silid matapos may mabanggit ang babaeng iyon. Ano ba ang sinasabi niya? Bakit pakiramdam ko ay hindi talaga niya ako nakikilala.
Humarap ako sa salamin at tiningnan ang aking mukha. Malaki na rin ang aking pinagbago, mula sa pagiging mataba, nagkaroon ako ng matipunong katawan. Ikinuyom ko ang aking kamay dahil sa aking mga iniisip.
“Ngunit, hindi dahilan iyon. Dahil kahit ano pa ang aking hitsura, maaalala ako ng kanyang puso.”
Halos suntukin ko ang salamin na nasa aking harapan nang maalala na mayroon na siyang asawa. Muli na namang nanumbalik ang galit sa aking puso.
"Sir Joseph! Sir Joseph!"
Nanlaki ang aking mata nang makarinig ng sunod-sunod na sigaw mula sa kasambahay. Nagmadali akong lumabas sa loob ng aking silid.
"Bakit, anong nangyayari dito?"
"Dugo, Sir! May dugo!"
Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman nang makita si Emma na nakaupo sa sahig at may dugo sa kaniyang palda.
Mabilis at malakas ang dagundong ng aking puso, tila napako ang aking paa sa aking kinatatayuan, nais kong gumalaw at tumakbo patungo sa kaniyang kinauupuan ngunit ayaw gumalaw ng aking paa.
Hanggang sa narinig ko ang malakas niyang sigaw.
"Aaahhh! ang sakit!"
Mabilis akong napatakbo at iniluhod ang aking tuhod upang kami ay magpantay, saka ko hinawakan ang kaniyang balikat at kaniyang binti saka siya binuhat.
"Kuhain nyo ang kotse, ngayon na!"
Tanging malalakas na sigaw ko lamang ang naririnig sa buong Mansion at tanging dagundong lamang ng aking puso ang aking naririnig.
Bakit? Bakit nangyari ito? Hindi ako makakapayag na mawala ang aking anak.
Emma, kumapit ka lang.