Point of view - Emma Addison - Makalipas ang dalawang gabi ng bakasyon sa villa na iyon, naisipan na naming umuwi sa Manila dahil kailangan na rin naming bumalik sa trabaho. Pero ang masayang pangyayari na ito sa aking buhay ay hinding hindi ko malilimutan, dadalhin ko ito sa aking puso habambuhay. Nasa byahe na kami ni Joseph at si Cyrus naman ay mahimbing nang natutulog sa loob ng sasakyan. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito at sana maulit pa itong muli. Bumalik ang aking isip nang maramdaman ko ang mainit na palad ni Joseph sa ibabaw ng aking kamay. "Are you happy?" tanong niya sa akin habang nakatingin sa daan. Napatingin ako sa kanyang mukha saka nagbigay ng matamis na ngiti. "Oo, sobra," tugon ko Napangiti naman si Joseph dahil sa aking sinabi. Matapos ang mahabang byahe, sa w