Point of view - Joseph Lee - Hindi ko akalain na magagawa ni Cheska ang bagay na iyon sa babaeng mahal ko. Matagal ko na siyang kasama at hindi kailanman sumagi sa aking isip ang masama niyang balak. Nag-usap at seryoso akong nakinig kay Emma nang idetalye niya ang nangyari noon sa hagdan. Sa pagkakataong ito, naniniwala ako sa lahat ng kanyang sinabi, ngunit hindi pa rin ako makapaniwala at hindi ko mahanap ang dahilan kung bakit ginawa iyon ni Cheska. Nang gabing kinausap ako ni Emma at no'ng araw na sinundo ko siya sa kanyang trabaho. Muli niyang sinaad sa akin ang lahat ng nangyari. Nais kong gumawa ng aksyon tungkol dito, nais kong idemanda at palayasin si Cheska ngunit si Emma ang tumanggi na gawin ko iyon, dahil na rin sa aming anak na si Cyrus. Isang malalim na hugot ang ginaw