Point of view - Emma Addison - Hanggang saan ba tayo kailangan magparaya? Hanggang saan tayo kailangan magpatawad at humingi ng tawad? Hindi man natin alam kung hanggang kailan tayo susubukin ng tadhana. Marapat lamang na hindi tayo sumuko sa mga pagsubok na ibabato niya, dahil walang pagsubok ang sa ati'y ibibigay, kung hindi natin ito kakayanin. "Cyrus, may I enter your room?" Naka-ilang katok na ako sa pinto ng silid ni Cyrus, ngunit paulit-ulit niya lang akong pinagtatabuyan. Ramdam ko ang inis sa akin ng aking anak dahil sa pananakit ko raw sa kaniyang nanay nanayan. Alam ko sa aking sarili na wala akong ginawang mali. Alam ko sa aking sarili na hindi ko ginawa ang bagay na iyon ngunit tila binaliktad ng babaeng si Cheska ang lahat. At kauusapin ko na lang siya matapos kong kausa