Point of view - Emma Addison - Ilang araw kaming nag-ayos para sa muli naming pagbabalik sa Pilipinas. Ilang beses kong pinaliwanagan ang aking anak na si Cyrus tungkol sa babaeng si Cheska ngunit kahit anong aking gawin, hindi siya nakikinig. Tila isang ina talaga ang turing niya sa babaeng ito, samantalang ako ay tinuturing niyang ibang tao. Bago kami tuluyang lumipad patungo sa Pilipinas, nalaman ng mga magulang ni Joseph ang tungkol sa sanggol na pinagbubuntis ko. Hindi pa rin nila ito gusto kahit ito na ang pangalawa nilang apo. Ngunit nirerespeto ko ang kanilang desisyon, kahit hindi sila sumama sa amin pabalik sa Pilipinas. Alam ko naman na hindi nila ako gano'n kadaling matatanggap, ngunit umaasa ako na darating ang panahon ay matatanggap nila ako nang buong-buo, hindi bilang s