Point of view - Emma Addison - Ang sakit na bumabalot sa aking katawan ay hindi ko na maramdaman. Halos namanhid na ako dahil sa ginawang pananakit sa akin ni Lance. Halos wala akong magawa ngayong nakapatong ang mabigat niyang katawan sa aking ibabaw. Patuloy ang kaniyang paghalik sa aking mga labi kahit panay ang aking pagtanggi. Pati ang paglalagay niya ng pulang marka sa aking leeg ay tila wala siyang balak itigil. Walang ibang tumatakbo sa aking isip at damdamin ngayon kung hindi ang pandidiri, pagkasuka, at kahihiyan sa kung ano man ang kahayupang ginagawa ng lalaking ito. Sa mga oras na ito, mas lalo akong nanliit sa aking sarili. Tila lalo akong nawalan ng mukhang iharap ang aking katawan sa lalaking pakakasalan ko sa harapan ng altar. Ang aking puso ay binalot ng matinding p