Point of view - Emma Addison - Nakataas ang aking kilay habang nakatingin sa lalaking tantya ko ay nasa singkwenta y anyos na. Siya ang lalaking hinihintay ko, ang CEO ng Neon Corporation na may malaking shares sa Lee Global Corporation, ngunit hindi ko akalain na mahahalata sa hitsura niya ang pagiging babaero. Bakas pa rin naman sa kanyang hitsura ang kanyang kagwapuhan, ngunit hindi ako interesado rito. Nang matapos ko ang presentation para sa kanila. Agad akong dumiretsi rito sa gusali ng Neon Corporation at hindi ko alam na isang kamalian na pumunta pa ako rito. "Lady Em, napag-isip-isip mo na ba ang inaalok ko?" Muling sumalubong ang aking kilay sa muli niyang pagsasalita. Inayos ko ang aking upo at pinag-cross ang aking binti. Hinawakan ko ng aking hintuturo