Point of view - Emma Blair - Lumipas ang ilang buwan at hindi na rin maipagkakaila ang lumalaki kong tiyan. Ito ay isang bagay na nakapagpapasaya sa akin, noon ay sumuko na ako at iniisip na hindi na ako magkakaanak. Ngunit heto ako, halata na ang anim na buwan kong tiyan at masaya ako dahil dito. Nakatingin lamang ako sa aking katawan sa harapan ng salamin sa loob ng aking silid habang ako ay nakangiti. Narinig ko ang marahang pagbukas ng pinto at iniluwa nito ang lalaking ama ng dinadala ko. Nakangiti lamang siya sa akin habang nakatingin at saka siya marahang lumakad sa aking kinatatayuan. Tumayo siya sa aking likuran, naramdaman ko ang kaniyang kamay na dahan-dahan niyang iniikot sa aking baywang at ipinatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat, saka ako niyakap mula