Point of view - Emma Blair - Bagama’t alam kong hindi na siya babalik, umaasa pa rin ako na muli ko siyang makikita at mahahagkan ko ang aking anak. Ilang araw na rin ang lumipas, pinayo ng doctor na manatili muna ako sa ospital kahit isang linggo lamang. Bayad na rin naman ang mga hospital bills at lahat-lahat ng aking kailangan. Naka-private room din ako, ngunit hindi naman ito ang aking nais. Gusto kong makita ang aking anak, ang aking baby na sa aking paggising ay hindi ko man lang nahagkan. Sana man lang ay nakapagpaalam ako sa kaniya, sana man lang ay nakapagpakilala ako sa kaniya. Joseph bakit? Akala ko maayos na tayo? akala ko pa man din, maaari pang magbago ang iyong isip para sa ating anak. Ngunit mali ako ng akala. Ang mga kabaitan na ipinakita mo ba sa akin ay pawa