Point ov view - Emma Addison - Nang gabing iyon, masaya kaming nagpaalam sa aking mga magulang. Nagdesisyon na rin akong umuwi sa bahay namin ni Joseph at nais ko na rin makitang muli si Cyrus. "Mag-iingat kayo sa pag-uwi, Anak," saad ni nanay na ngayon ay nakahawak sa aking mga kamay. "Opo, ma. Mag memessage agad ako pagdating namin sa bahay." Ngumiti si nanay sa akin at saka ako niyakap nang mahigpit. "Sana naman ay maging masaya ka na, hangad ko ang iyong kaligayahan, anak." Halos mamuo ang luha sa aking mga mata dahil sa mga katagang binibitiwan sa akin ni nanay. Marahan kong tinapik ang kanyang likod habang nakayakap ako nang mahigpit sa kanya. "Salamat, ma. Dahil lagi kang nandiyan sa akin. Mahal na mahal kita." "Tama na nga iyan, para naman kayong hindi na magkikita," rinig