Point of view - Cheska Lopez - Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo nang banggitin ko ang kanyang pangalan. Nababakas sa kanyang mukha ang pagtataka dahil sa aking sinabi. "At sino ka naman?" tanong niya. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang magsimula siyang magsalita. "Sa tingin ko hindi ito ang tamang lugar upang tayo ay mag-usap, Lance." "Bakit naman kita kailangang makausap?" "Dahil marami akong alam tungkol kay Joseph Lee." Nakita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata nang bigkasin ko ang pangalan ni Joseph. Ilang sandali pa siyang nakatingin sa akin bago ako magbigay ng matatalas na ngiti. "Get in," saad niya saka sinarado ang bintana ng sinasakyan niyang kotse. Tila napako naman sa aking mukha ang malaking ngiti na kanina ko pa dala-dala. Mas magiging tagumpay ang akin