Chapter 38

1166 Words

Point of view - Emma Addison - Maaga akong nakabalik mula sa opisina dahil nagbilin lang naman ako ng mga bagay na aking iiwan kay Noemi. Nais ko ring makatulong sa gawain ni Denise kaya ako ay nagmadali ring umuwi. Nang ako ay makarating sa aming bahay, naabutan ko si Denise na nagtutupi ng mga damit sa silid ni Cyrus. "Ako na riyan, Denise," saad ko. "Naku! Ma'am Emma. Magpahinga na lang muna kayo at kagagaling mo lang sa trabaho." Umiling ako bago tumugon sa kanyang sinabi. "Ano ka ba, pagtutupi lang naman iyan ng damit, saka gusto ko ring matupi ang damit ng sarili kong anak," pagtanggi ko saka ako ngumiti sa kanya. "S-Sige na nga po." Wala na rin siyang nagawa dahil sa aking pagpupumilit. Marahan siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa kama, saka lumakad palapit sa pinto ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD