Point of view - Emma Addison - Ang mga talulot ng bulaklak ay unti-unting bumabagsak mula sa kalangitan. Sinadya naming rentahan ang isang helicopter upang magsaboy ng mga puti at pulang talulot ng rosas mula sa itaas. Isang maganda at maaliwalas na panahon ang sumalubong sa amin. Presko at malamig ang hangin na dumadampi sa aming katawan. Habang ako ay nakasakay sa isang puting kotse, hindi ko mapigilan ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Hanggang ngayon, nababalot pa rin ako ng kaba. Isang kaba na hindi dahil may masamang mangyayari, kung hindi dahil ang kasal na ito ay matutuloy na. Tama. Ang araw na ito ay ang araw ng kasal ko sa lalaking si Joseph Lee. Nagdesisyon kaming ituloy ang naudlot naming kasal nang tuluyan na siyang gumaling. Masasabi kong ito ang isa sa masasayang a