Point of view - Emma Addison - Masarap umibig sa tamang tao. Masarap maging isang ina sa iyong mga anak. Ang pagbuo ng isang pamilya ay hindi dapat minamadali, kailangan itong pag-isipang mabuti, hindi lang isa, kundi dalawa o higit pa. Dahil baka dumating ang panahon na ikaw din ang magdusa sa desisyong minadali mo. Paano ba natin malalaman kung siya na nga ang nakatakda? Ang totoo, hindi tiyak. Hindi sigurado ang bagay na iyon. Siguro, ika nga nila, hindi ka matututo kung hindi ka magkakamali, dahil failure is your best teacher. Ngunit marami sa atin ang takot mabigo. Marami sa atin ang takot sumugal dahil nais maging perpekto. Isa lang ang masasabi ko, walang taong perpekto, walang taong nagkakamali at walang taong walang bahid ng kasamaan sa ugali. Lahat ng tao ay may tinatagong b