*Warning, SPG content Point of view - Emma Addison - Tila pupungas-pungas at nanlalabo ang aking paningin nang maramdaman kong bumigat ang bahaging kaliwa ng kamang hinihigaan ko. At kahit mabigat at antok na antok ang aking pakiramdam, pinilit kong idilat ang aking mga mata, ngunit kaunting pagmulat lang ang aking nagawa. Malabo ang aking naaaninag ngunit sigurado akong isang lalaki ang nasa tabi ko ngayon, at tila may inaabot na kung ano sa aking tabi. Hanggang sa maaninag ko ang kanyang mukha. Baka isa nga itong panaginip, dahil hanggang dito ba naman ay nakikita ko pa rin si Joseph Lee. Bahagya kong binuksan ang aking labi saka ako nagsimulang magsalita. "Joseph Lee, I hate you. Galit ako sa'yo!" sigaw ko upang ipamukha sa kanya ang galit ko. Nakita ko