Point of view - Emma Addison - Mali ba ang aking desisyon na umibig? Mali ba na asamin ko ang kaligayahang tulad ng nadarama ng ibang tao? Bakit simula nang ako ay nag-asawa naging miserable ang aking buhay? Bakit mula nang magkamali ako, hindi ko na magawang itama ang lahat? Ano ba ang aking nagawa at pinaparusahan ako nang ganito? Ano ba ang aking nagawa at kahit anong gawin ko, hindi ko makuhang maging masaya? Marahan kong ibinaba ang hawak kong telepono, saka nagmamadaling lumakad patungo sa parking lot at nagtungo sa aking condo. Matapos akong mag-ayos, agad akong pumunta sa sinabing lugar sa akin ni Joseph noong kami ay magkausap sa telepono. Nagtungo ako sa isang malawak na field, madilim na rin no'ng ako ay dumating dito, hanggang sa makarinig ako ng isang mala