Point of view - Emma Addison - Isang bagong umaga. Sinimulan namin ni Joseph ang pag-aayos ng mga kagamitan. Pinasuot niya ako ng damit katulad ng sa mga bodyguard niya. Nagsimula kaming lumabas galing sa hotel kung saan ako natulog, matapos iyon, nagtungo na kami sa ospital. Nakapalibot ang kaniyang mga bodyguard sa amin. At dahil sa aking suot na damit, nagmistulang bodyguard niya rin ako. Habang kami ay naglalakad patungo sa parisukat na hugis na ospital. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ganda ng London. Makikita mo ang mga taong naglalakad sa paligid. Sa kanang bahagi ng iyong paningin, makikita mo ang isang malaki at bilog na bato. At kung ito ay titingnan mo mula sa kabilang bahagi, doon malapit sa malaking ilog, makikita mo ang istatwa ng isang babae. Ang ganda ng pagka